Chapter 6: Lesson 2 - Kung makikipaglaban ka, siguraduhing hindi ka mamamatay.

41.7K 864 50
                                    

Kinabukasan, masayang umalis ng kanilang bahay si Rain. Hindi na ito naghanap pa ng maaaring masakyan, dahil napag-isip-isip niya na hindi nga pala mga tao ang tunay na nakatira dito, kaya walang jeep, taxi, tricycle o pedicab na maaaring niyang sakyan. At kahit naglakad lang siya patungo sa paaralan ay hindi naman siya na huli sa kaniyang klase. Sa pagpasok niya sa kaniyang classroom ay napansin niyang wala pa si Selina at ang tatlong tao na naging kaibigan niya, ngunit may napansin siyang mga bagong mukha na ngayon lang niya nakita. At sa tingin niya ay ito ang mga kaklase hindi pa niya nakikilala, dahil absent ang mga ito kahapon.

Lima ang bilang niya sa mga kaklaseng hindi pa niya nakikilala at may ilang mga bakanteng pwesto pa rin ang nakikita niya, kaya natitiyak niya na meron pang mga darating na hindi pa niya nakikita o nakikilala.

Agad ng nagtungo si Rain sa kaniyang upuan at doon ay hinintay niya ang pagdating ng kaniyang mga kaibigan. Halos ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na si Selina, agad niya itong kinawayan at kalaunan ay binati habang naglalakad papalapit sa kaniya.

"Good morning, Selina!" Sambit ni Rain.

"Good morning din." Tugon ni Selina.

Matapos makaupo ni Selina ay labis na nagulat si Rain sa kaniyang sumunod na nakita na pumasok sa kanilang classroom. Tatlong magagandang babae at isa na dito si Krystine. Walang mapaglagyan ng labis na kasiyahan si Rain sa napag-alamanan niya. At hindi rin niya magawang maniwala na kaklase niya ang magandang babaeng na nakita niya sa unang araw na pagtapak niya sa loob ng paaralan, si Krystine.

Walang pag-aaksaya ay agad tinanong ni Rain kung sino-sino ang mga kasama ni Krystine kay Selina. At kahit na nai-inis si Selina ay sinagot pa rin nito ang tanong ni Rain sa kaniya.

"Yung puti ang buhok ay si Aicy Winters at isa siyang mythical shaman ng Yeti. Galing siya sa "Beastly clan"." Sambit ni Selina.

*** Aicy Winters. 15 years old at kahit medyo may pagkamahiyain ay mapapansin na magiliw siya kapag kasama niya ang kaniyang mga kaibigan. Matalino at maganda siya na natural na makikita sa kaniyang panlabas na anyo.

Slim ang pangangatawan ni Aicy, nasa 5'4"ang kaniyang taas, sobrang puti ng kaniyang balat, sky blue na medyo hanggang balikat ang kaniyang buhok at maganda din ang kaniyang pyutsur! (if you know what I mean! :3) ***

*** Note: Ang Yeti ay isang class-B na mythological creature, ang anyo nito ay isang malaking oso na may puting mga balahibo. Kalimitang naninirahan ang mga yeti sa mga kabundukang nababalutan ng mga nyebe. Mabait ang mga yeti at maunawain, ngunit mahirap din silang makalaban. Dahil may kakayahan silang magpaulan ng nyebe na sa kalaunan ay ginagawa nilang malakas na bagyo o yung tinatawag na "blizzard storm". May kakayahan din silang gumawa ng yelo o kaya ay balutan ng yelo ang isang bagay o nilalang. ***

"Yung kulay green ang buhok ay Khaye Floria. Isa siyang mythical shaman ng Nymph. Galing naman siya "Forest fairy clan"." Sambit muli ni Selina.

*** Khaye Floria. 15 years old at siya ang kababata at matalik na kaibigan ni Krystine. Tulad ni Aicy ay hindi rin nag kakalayo ang kanilang mga ugali, kaya hindi na nakakapagtaka na malapit naging magkaibigan sila. Mabait, matalino at magaling siyang makisama.

Slim ang pangangatawan ni Khaye, nasa 5'4"ang kaniyang taas, maputi ang kaniyang balat, kulay apple green na nasa katamtamang haba ang kaniyang buhok at maganda din ang kaniyang hinaharap! (if you know what I mean! :3) ***

*** Note: Ang Nymph ay isang class-B na mythological creature, isa itong uri ng fairy na nangangalaga sa mga kagubatan. Likas na tahimik ang mga nymph, ngunit panganib sila kapag nagalit. May kakayahan kasi silang kontrolin ang kahit na anong klase ng halaman o mas kilala sa tawag na "Nature magic" upang ipang-atake sa kanilang mga kaaway. ***

School of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon