Chapter 5: Lesson one - Wag makipag-away sa isang Mythical Shaman.

46.5K 992 87
                                    

Nadismaya si Rain sa unang araw niya sa bago niyang paaralan. Bakit? Dahil inakala niya na tungkol sa mga mythical creatures o mythical shaman lang ang ituturo sa kanila, ngunit nagkamali siya. Dahil ang itinuturo dito ay kahalintulad din ng mga itinuturo sa mga na unang niyang paaralan. May Math, Science, English, History at kung ano-ano pang mga subject na normal na itinuturo sa mga paaralan. Ngunit may isang subject dito na natatanging dito lang ang meron, at ito ay ang "Special myth" subject. Sa subject na ito ay itinuturo ang lahat ng tungkol sa mga mythical creature at mga mythical shaman. At itong subject na ito ang pinakagusto ni Rain na mapag-aralan.

Halos tanghali na at oras na para mananghalian, kaya naman inaya na ni Selina si Rain na kumain sa campus cafeteria. At habang naglalakad sila sa hallway ay hawak-hawak lang ni Selina ang kamay ni Rain, kaya naman ang lahat ay halos nakatingin sa kanila.

"Bakit parang galit silang lahat sa akin? May nagawa na ba akong mali?" Tanong ni Rain.

"Don't mind them. Naiingit lang ang mga iyan." Tugon ni Selina.

(Note: Isa kasi sa mga campus crush si Selina. XD)

Ilang sandali pa ay narating na nila ang campus cafeteria at dito ay sandaling napahinto sis Rain dahil sa labis na pagkamangha. Iba kasi ito sa kaniyang inaasahan dahil sobrang laki at lawak nito.

"Wow! Ang lawak naman ng canteen na 'to! Lahat ba ng istudyante ay dito kumakain?" Sambit ni Rain.

"Yup! Kaya tara na at kumuha na tayo ng pagkain na'tin." Tugon ni Selina.

"Maiba ako, parehas lang ba ang kinakain ng mga tao at mga mythical shaman?" Sambit muli ni Rain.

Natawa si Selina sa kaniyang narinig, samantalang nagtaka naman si Rain tungkol dito. Ilang sandali pa ay agad na siyang hinila ni Selina patungo sa harap ng cafeteria.

"Wow! Ang daming masasarap na pagkain na pagpipilaan ah! Uy, uy! Adobo ba yon?" Masayang pagkakasambit ni Rain.

"Yup! Sige pili ka lang at wag kang mag-alala, dahil bago ka ngayon ay ililibre kita." Sambit ni Selina.

"Talaga?! Wow! Ang bait mo talaga Selina! You're the best! *Tsk.. Perang pang tao lang kasi ang dala ko, kaya baka di ito tanggapin pag ito ang ipinambayad ko." Sambit muli ni Rain.

"Ano ka ba?! Magkaparehas lang ang mga pera dito at pera ng mga tao, in-short pwede mong ipambili yang dala mong pera. At sa tingin mo ba magta-trabaho dito ang ate mo kung kakaibang pera naman ang kikitain niya? At ang ibang taong nagne-negosyo dito, sa tingin mo ba pipiliin nilang magnegosyo dito kung ibang pera naman pala ang kikitain nila? Kaya wag ka ng masyadong mag-alala." Sambit muli ni Selina.

"*Hmm.. Okay! Okay! Hindi na ako nagtataka kung bakit may Math at English tayong subject. *Hahaha." Sambit muli ni Rain.

"O hala, pumili ka na ng gusto mong kainin." Sambit muli ni Selina.

"*Uhm! *Uhm!" Tugon ni Rain.

Nang makabili na sila ng kanilang kakainin ay nagsimula na silang maglakad upang maghanap ng maaari nilang mapwestohan. Hanggang sa makita sila ng mga kaklase nilang tao at ito ay sina: Annie, June at Mark.

"Oy Rain, Selina, samahan nyo na kami ditong kumain, sakto at may bakante pa para sa dalawa. *Hehe." Masayang pagkakasambit ni June.

"Wow, talaga? Maraming salamat!" Tugon ni Rain.

Hindi na nagdalawang isip pa ang dalawa at agad na silang umupo sa bakanteng upuan sa pwesto nina June.

Habang kumakain sila.

School of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon