Kinabukasan, halos inaantok pa ng lumabas ng kanilang bahay si Rain, dahil na puyat ito sa pagbabasa ng notebook na binigay sa kaniya ng kaniyang ate. Sa ngayon ay may kalayuan na ang kaniyang nalalakad, ngunit ilang sandali pa ay may mga pamilyar na mukha ang biglang nagpakita sa kaniya.
"Ikaw pala ang sinasabi ng aming panginoon na nanakit sa aming taga pagmana. Ngayon pagbabayaran mo ang ginawa mo. *Fufufu." Sambit ng lalaki.
"Teka, naalala ko ang mga pagmumukha nyo ah! Kayo yung mga satyr na humahabol kay Selina!" Sambit ni Rain.
"Teka, papaano mong nalaman na hinabol na'min si Selina, ang siren?" Sambit muli ng lalaki.
"Nabura na nga pala ni Selina ang mga alaala nila tungkol sa'kin.. *Hahaha!" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.
"*Tsk! Bakit ka tumatawa? Sagutin mo ang tanong ko, bakit mo alam na hinahabol na'min ang siren na si Selina!?" Sambit muli ng lalaki.
"Hindi na yon mahalaga. Siguro mga tauhan kayo ng tatay ni Riki? Hindi na nakakapagtaka.. Haaay, sakto at masusubukan ko ang ilang skills na natutunan ko kagabi. *Hehehe." Sambit muli ni Rain.
"Ikaw!! Sige, tingnan na'tin kung saan ang itatagal mo. Sugod mga kasama!" Sambit muli ng lalaki.
Matapos magsalita ang lalaking madaldal ay agad ng nagsuguran patungo kay Rain ang mga kasamahan nito. Samantala, si Rain naman ay biglang lumuhod at agad inilapat ang kanang kamay sa daan.
"** SCORCHED EARTH! **" Sambit ni Rain matapos nitong mahawakan ang simentong daan.
Matapos magsalita ay biglang nag-apoy ang tinatapakan nila. ikinagulat ito ng mga lalaki na, kaya napahito ang mga ito at kalaunan ay napaatras.
Hindi naman kalawakan ang lugar na nag-apoy gawa ng pinakawalang kapangyarihan ni Rain, ngunit sapat na ito para sa susunod niyang pag-atake.
"Bakit kayo nag si-atras? Sige, sugurin nyo na siya." Sambit muli ng lalaki.
Matapos magsalita ay muling sumugod ang kaniyang mga kasamahan, subalit habang kasalukuyang sumusugod ang mga ito ay hindi nila napapansin na unti-unti na palang nasusunog ang ilang parte sa kanilang mga damit. Samantala, dahan-dahang tumayo si Rain at nang tuluyang makatayo ay dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang kanang kamay. Sabay,
*** SFX: SNAP! ***
"** IGNITE! *" Sambit ni Rain.
*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***
Matapos i-snap ni Rain ang kaniyang daliri ay isang malakas na pagsabog ang naganap sa bawat lalaking pasugod sa kaniya. At kasama na dito ang lalaking madaldal na parang boss kung maka-utos, tapos mahina na naman pala.
*** Note: Ang "Scorched earth" ay isang paraan, kung saan magagawa ng caster na pagliyabin ang isang area, mapalupa man ito o sementado. Isa itong mataas na uri ng "Fire technique" na bibihira lang ang may alam.
At ang "Ignite" ay isa ding paraan, kung saan nagagawang pasabugin ang anumang bagay na nagliliyab. At isa din itong mataas na uri ng fire technique na bibihira lang din ang may alam. ***
Matapos makita ni Rain na nagbuwalan na ang mga kalaban niya ay nagsimula na itong maglakad, dahil inaalala niya na baka mahuli siya sa kaniyang klase.
"Te..te..teka lang.. Anong klaseng pag-atake ang ginawa mo?" Sambit ng lalaking parang boss kung makapag-utos, pero mahina naman pala.
"Wag na wag kasi kayong makikipaglaban sa isang mythical shaman ng elemental fire dragon.
At sa susunod na magkaharap tayo, sisiguraduhin ko ng magiging mga abo na kayo." Sambit ni Rain.
BINABASA MO ANG
School of Myths
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Si Rain, isang 15 years old boy na high school student, kasama ang kaniyang ate na si Rachelle ang napunta sa lugar kung saan kinatatakutan ng lahat ng tao. Ang "Th...