Tahimik lang na nag-iisip si Rain habang nakahiga ito sa kaniyang kama. Iniisip niya kung bakit kinailangang ilihim sa kaniya nang kaniyang kapatid ang kaniyang pagkatao. Hanggang sa ilang sandali pa nga ay dumating na si Rachelle galing sa trabaho nito.
"Rain?! Anong luto ang gusto mo sa manok na binili ko?!" Sigaw ni Rachelle.
Narinig naman ni Rain ang sigaw ng kaniyang ate, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi niya nagawang tumugon. Dahil na rin ito sa labis niyang pag-iisip sa kung papaano niya tatangnunin ang kaniyang kapatid tungkol sa kaniyang pagkatao.
"Rain?! Natutulog ka ba?!" Sigaw muli ni Rachelle.
Matapos magsalita ay mabilis na nagtungo si Rachelle sa kwarto ni Rain. At nang makarati ay agad niya itong binuksan at kalaunan ay pumasok. Dito ay nakita niya si Rain na nakaupo sa kama na tila may malalim na iniisip.
"Rain? May problema ka ba?" Tanong ni Rachelle.
Hindi kaagad nakatugon si Rain, subalit laking gulat ni Rachelle matapos marinig ang mga sinabi nito sa kaniya.
"Anong klaseng nilalang ba talaga ako, ate?" Tanong ni Rain.
Sa pagkakataong ito ay hindi na nagsalita si Rachelle at lumabas na agad ito ng kwarto. Hindi naman nagtaka si Rain kung bakit hindi siya tinugon ng kaniyang ate, dahil batid niya na may inililim talaga ito sa kaniya.
May ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na ng kaniyang silid si Rain. Agad itong nagtungo sa may sala at sa kaniyang paglalakad ay nakita niya ang kaniyang ate na tahimik na nagluluto sa may kusina. Hindi muna niya ito pinansin at naupo na lang sa may sofa, ngunit ilang sandali pa ay agad siyang napalingon sa kaniyang ate, dahil narinig niya itong nagsalita.
"Kumain muna tayo, pagkatapos nito ay sasabihin ko na sayo ang lahat." Sambit ni Rachelle.
Hindi nakuwang magsalita ni Rain at napatingin na lang sa kaniyang ate. Ilang sandali pa ay nagtungo na siya sa hapagkainan upang makakain na sila.
Samantala, sa ospital kung saan nagpapahinga at nagpapagaling si Riki.
"Sino ang may gawa nito sayo, anak?!" Galit na pagkakasambit ng ni Styl.
"Sinungaling siya, hindi siya isang tao. Isa ding siyang mythical shaman at ang lakas niya!" Sambit ni Riki.
"Kung ganon, magbabayad siya sa ginawa niya sayo." Sambit muli ni Styl.
Mabalik muli tayo sa bahay nila Rain. Halos kinse minuto ang lumipas ng matapos na silang kumain ng hapunan. Agad niligpit ni Rachelle ang kanilang mga pinagkainan at sinabi sa kaniyang kapatid na sa may sala na siya hintayin, dahil may kukunin pa ito sa kaniyang kwarto. Agad naman sinunod ni Rain ang sinabi ng kaniyang ate at sandaling naghintay sa may sala. Hindi naman nagtagal ay dumating na si Rachelle na kalaunan ay umupo sa tapat ni Rain.
"Rain, bago ang lahat ay magpapakilala muna ako sayo. Ako si Raziel Draken, mythical shaman ng elemental earth dragon. 67 years old na ako kung hindi mo maitatanong." Sambit ni Rachelle.
Sa mga sandaling ito ay labis na nagulat si Rain.
"Te..te..te..teka?! Raziel Draken?! Elemental Earth Dragon?! 67 years old!? Hu..whaat?!" Sambit ni Rain.
"*Uhm! Tama ka." Tugon ni Rachelle.
"Ku..ku..kung ganon, kamag-anak na'tin sina Aron at si sir. Driego Draken.. *Ah.. pati na rin si Master Drake?!" Sambit muli ni Rain.
"Driego? *Hahaha.. Teacher mo pala ang anak kong si Driego. At ang Aron na tinutukoy mo ay isa siguro sa mga apo ko ngayon. At alam mo na rin ang tungkol kay kuya Drake. *Nod! *Nod! Mukhang marami ka na ngang nalalaman." Sambit muli ni Rachelle.
BINABASA MO ANG
School of Myths
ФентезіGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Si Rain, isang 15 years old boy na high school student, kasama ang kaniyang ate na si Rachelle ang napunta sa lugar kung saan kinatatakutan ng lahat ng tao. Ang "Th...