Sumabay si Aron sa pag-uwi ni Rain sa kanilang bahay. Batid kasi nito na may pagsasanay na magaganap, kaya hindi na ito nagpapigil pa na sumama.
May ilang minuto pa ang lumipas ng marating nina Rain ang kanilang bahay. Agad na silang pumasok ni Aron sa loob at katulad ng kaniyang inaasan ay nandoon na ang kaniyang master, si Drake.
"Kamusta po Lolo? Naparito po ako, dahil gusto ko rin pong magsanay!" Sambit ni Aron.
"Mabuti kung ganon, apo! Rain, nakahanda ka na rin ba?" Sambit ni Drake.
"Opo, pero na saan po si ate?" Sambit ni Rain.
"Nasa kwarto niya." Tugon ni Drake.
"*Ahh.. Eh saan naman tayo magsasanay? Eh ang sikip-sikip ng bakuran na'min. Tsaka, baka may mga kalabang nagmamatyag sa'tin kung sa labas po tayo magsasanay." Sambit muli ni Rain.
"Sino ba ang nagsabing sa labas tayo magsasanay?" Sambit muli ni Drake.
Sandaling natahimik ang dalawa at kalaunan ay nagkatinginan.
"*Huh?! Eh kung ganon, saan po tayo magsasanay?" Tanong ni Rain.
"*Ahh! Alam ko na! Sa loob po ba ng dragon empire tayo magsasanay, lolo?" Sambit ni Aron.
"*Hahaha! Hindi tayo sa dragon empire magsasanay apo." Tugon ni Drake.
"Eh saan?" Sambit muli ni Rain.
"Dito sa loob ng bahay!" Tugon ni Drake.
Muli ay sandaling natahimik ang dalawa at muling nagkatinginan.
"Master naman eh, tama na po ang pagbibiro at magseryoso naman po kayo!" Sambit muli ni Rain.
"Okay, ang mabuti pa ay sumunod na lang kayo sa'kin." Sambit muli ni Drake.
"Saan naman po tayo pupunta?" Tanong ni Rain.
Hindi na tinugon ni Drake ang tanong ni Rain at agad na itong naglakad patungo sa loob ng kwarto ni Rachelle.
"Sa kwarto ni ate? Teka, ano naman po ang gagawin na'tin dyan?" Tanong muli ni Rain.
"Tama na ang tanong at sumunod na lang kayo." Sambit muli ni Drake.
Hindi na muli pang nagsalita ang dalawa at kalaunan ay sumunod na sila sa loob ng nasabing kwarto. Sa loob ay laking pagtataka ni Rain, dahil wala naman doon ang kaniyang ate.
"Akala ko po ba nasa kwarto niya si Ate? Wala naman po siya dito eh." Sambit ni Rain.
Napangiti na lang si Drake at ilang sandali pa ay nagsalita na ito
"**kitto.. omoi.. dasu.. koto.. mo.. na..i!**" Sambit ni Drake.
Matapos magsalita ay biglang umangat ang kama ni Rachelle at sa ilalim nito ay may isang lagusan ang bumukas.
"Wow!" Sambit ng dalawa.
"Sumunod na kayo sa'kin at naghihintay na doon si Raziel." Sambit muli ni Drake.
Ilang sandali pa ay nagsimula ng maglakad papasok sa loob ng lagusan si Drake. Agad namang sumunod dito si Rain, subalit sandaling napahinto si Aron.
"Raziel?" Sambit ni Aron.
Habang nagtataka ay nagsimula ng maglakad si Aron. Hanggang sa ngayon ay iniiisip pa rin niya ang pamilyar na pangngalan habang patuloy sa paglalakad papaba ng lagusan. Samantala, hindi naman makapaniwala si Rain na may ganitong kalalim na lagusan sa loob ng kanilang bahay.
BINABASA MO ANG
School of Myths
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Si Rain, isang 15 years old boy na high school student, kasama ang kaniyang ate na si Rachelle ang napunta sa lugar kung saan kinatatakutan ng lahat ng tao. Ang "Th...