July 1, CS240. Araw ng lunes at sa mga oras na ito ay sabay-sabay nakapasok sina Mark, Aron at Rain sa kanilang classroom. Mga nanlalata sila at tila mga walang lakas. Agad silang nakita ni June at kalaunan ay mabilis na nilapitan upang kausapin.
"Kamusta ang pagsasanay nyo Mark?" Tanong ni June.
Hindi tumugon si Mark, bagkus ay bigla na lang itong umiyak. Labis itong ikinagulat ni June, kaya muli siyang nagsalita.
"Teka, Mark? Bakit ka umiiyak? May masama bang nangyari?" Tanong muli ni June.
"Sa pagsasanay, lahat ay masamang pangyayari. Hindi ba Aron?" Sambit ni Rain.
"*Uhm! Sobrang taas nang tingin ko ngayon kay Mark, dahil nagawa niyang maka-survived sa pagsasanay ni lolo at lola!" Sambit ni Aron.
Sandaling natahimik si June at kalaunan ay napa-isip. Hindi kasi niya lubusang maunwaan ang sinasabi ng kaniyang mga kaibigan.
"Pasensya ka na, June. Pero wala akong lakas para makipag-usap ngayon. Dalawang araw kaming walang pahinga sa pagsasanay." Sambit ni Mark.
Matapos magsalita ay nagpuntahan na sa kani-kanilang mga upuan ang apat. Nang makaupo si Aron ay agad itong natulog, si Rain naman ay agad kinausap ni Selina, at si Mark naman ay kasalukuyang nakadukdok sa kaniyang lamesa, habang tinititigan siya nina Annie at June.
Nang makarating ang kanilang guro, si Unice ay agad nitong napansin ang dalawa, sina Aron at Rain. Mga nanghihina at tila mga walang gana na mag-aral ang mga ito. Batid na rin niya ang dahilan kung bakit, ngunit binalaan na niya ang mga ito dati, kaya hindi na niya ito pagbibigyan ngayon. Sa kaniyang paglalakad patungo sa kaniyang lamesa ay naghahanda na siya upang parusahan ang dalawa, ngunit ilang sandali pa ay napansin niya si Mark na halos katulad din ng dalawa. Sa pagkakataong ito ay mas lalong nag-init ang ulo at nakaragdag pa dito ang paghihigab ni Aron. Agad itong nagpunta sa gitna at agad ibinaba ang kaniyang dalang bag sa gitna ng kaniyang lamesa.
Nang tuluyang makarating sa kaniyang lamesa ay agad niyang ibinaba ang kaniyang bag at kalaunan ay agad itong binuksan. Kinuha niya mula sa kaniyang bag ang isang bote na may lamang tubig. Matapos nito ay agad niya itong binuksan at kalaunan ay mabilis na itinapon ang laman nito sa ere.
"** AQUA SPLASH! ** " Sambit ni Unice.
Matapos magsalita ay mabilis nagtungo ang mga tubig sa pwesto kung saan natutulog si Aron.
*** SFX: Psssssssssssshhh! ***
Agad nagising si Aron matapos maligo sa skill na ginawa ni Unice. At matapos niyang magising ay sabay namang napatingin sina Mark at Rain sa kanilang paligid. Ngunit ilang sandali pa ay biglang nabuhayan ng diwa ang dalawa, matapos nilang makita ang masamang pagtitig sa kanila ng kanilang guro. Samantala, dala ng labis na pagkainis ay pinatayo ni Unice si Aron sa harapan at matapos nito ay nagsimula na siyang magklase.
Mabilis lumipas ang araw na ito at ilang mga araw pa nga ang mabilis ding lumipas. June 8, CS240. Kasalukuyang petsa ngayon at ito din ang araw ng fieldtrip ng lahat ng freshmen sa Olympus university.
Maagang nagpuntahan ang magka-kaklase upang makahanap sila ng magandang pwesto. At dahil sobrang laki ni David ay napili nilang pumwesto sa dulo ng kanilang bus. Sa mga oras na ito ay mga nanghihina at nanlalata sina Rain, Mark at Aron, dahil dalawang araw na naman silang nagsanay sa ilalim ng magkapatid na Draken. Masaya na sana ang fieldtrip na ito para sa tatlo, ngunit may isang bagay silang hindi inaasahan at labis nila itong ikinagulat at naganap ito nung nakaraang lunes.
*** Flashback **
July 1, CS240. Tanghali at kasalukuyang kumakain ang magkakaibigan sa campus cafeteria.
BINABASA MO ANG
School of Myths
FantasyGenre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Si Rain, isang 15 years old boy na high school student, kasama ang kaniyang ate na si Rachelle ang napunta sa lugar kung saan kinatatakutan ng lahat ng tao. Ang "Th...