Chapter 35: Pagsalakay - Hindi inaasahang mga kalaban.

20.8K 401 28
                                    

Dala ang kanilang mga gamit ay sabay-sabay nang naglakad paayat ang mga istudyante. Iba-iba ang destinasyon ng bawat section, dahil na rin iba't-ibang activity ang kanilang mga gagawin, base na rin sa ipapagawa ng kani-kanilang mga guardians.

Sa mga oras na ito ay sama-samang naglalakad ang class fire-1, patungo sa dapat nilang puntahan. Ang lugar kung saan magiging camping site ng class fire-1 ay malapit sa mga ruins ng sinasabing dating Olympus. Ngunit sa unang araw nila dito ay hahanap muna sila ng isang patag na lugar at doon muna sila magpapalipas ng gabi. Ang totoo nito ay nag-iisa lang ang ligtas na camping site dito sa mount Olympus, ngunit hindi ito ang pupuntahan ng bawat section. Hindi naman kasi sila mga tao at sabihin na nga na'ting may ilang mga tao na nag-aaral sa Olympus university. Ngunit hindi ito hadlang upang hindi mag-camping ang bawat section sa lugar kung saan mas mapanganib, dahil na rin sa dami nang nagkalat na mababangis na mga hayop dito.

May isang oras pa ay halos nasa paanan pa rin ng bundok ang buong class fire-1. At sa mga oras na ito ay labis na ang pagod na nararamdaman nina Annie at June.

"*Haaaa! Malayo pa ba tayo?!" Tanong ni June.

"Wag kang mag-alala, June. Mga dalawang oras pa siguro ay mararating na'tin ang una na'ting camping site." Tugon ni Rachelle.

"2 hours pa po?! Pero sobrang pagod na po ako, miss Rachelle! Hindi po ba tayo pwedeng magpahinga, kahit saglit lang?" Sambit ni Annie.

"Sorry Annie, pero hindi tayo pwedeng magpahinga. Kailangan kasi na'ting makarating sa ating camp site bago mag tanghalian." Tugon muli ni Rachelle.

Matapos magsalita ni Annie ay nagulat siya, matapos agawin ni David ang dala niyang mga bagahe.

"Ako na ang magbubuhat nito para sayo, Annie." Sambit ni David.

Sandaling napahinto si Annie at kalaunan ay nagpasalamat. Ngunit ilang sandali pa ay nagtaka siya matapos kunin din ni David ang mga bagaheng dala ni Mark, kaya agad na siyang nagtanong.

"Pagod ka na rin ba, Mark?" Tanong ni Annie.

Ngunit hindi na tumugon si Mark, bagkus ay ngumiti lang ito. Ilang sandali pa ay lumuhod siya habang nasa likuran naman niya si Annie.

"*Eh? Bakit Mark? May problema ka ba?" Tanong muli ni Annie.

"Sakay na. Pagod ka nang maglakad, di ba? Kaya papasanin na lang kita." Sambit ni Mark.

Ikinagulat ni Annie ang kaniyang mga narinig, kaya magkahalong pagkagulat, pagkahiya at pag-aalinlangan ang kasalukuyan niyang nararamdam.

"Wag kang mag-alala, isipin mo na lang na part ito ng pagsasanay ko." Sambit muli ni Mark.

Agad napatingin si Annie sa mga kaibigang kasalukuyang nakangiti, habang pinapanood sila. Sa pagkakataong ito ay napalunok na lang siya at ilang sandali pa ay nahihiya na siyang sumakay sa likuran ni Mark. Samantala, nang maramdaman ni Mark ang pagsakay ni Annie sa kaniyang likuran ay dahan-dahan na siyang tumayo at matapos nito ay nagsimula na silang maglakad.

"Okay lang ba talaga ito, Mark? Hindi ba ako mabigat?" Tanong ni Annie.

"Wag kang mag-alala, hindi hamak na mas magaan ka sa mga batong binubuhat na'min nila Rain sa aming pagsasanay sa kamay nina Master Drake." Tugon ni Mark.

"Ganon ba. Sa..sa..salamat." Sambit muli ni Annie.

Hindi na nagsalita si Mark at napangiti na lang ito. Samantala, may nangyayari naman kina Selina at Lina na kasalukuyang katabi ni Rain.

"*Haaaaa! Pagod na ako! Pasanin mo din ako, Rain." Sambit ni Selina.

"*Uhhhhh.. Pagod na pagod na ako, Rain. Pasanin mo naman ako." Sambit ni Lina.

School of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon