Extra chapter: Side story - Eyesdrap's journey.

15.5K 265 15
                                    

June 22, CS240. Sabado at kasalukuyang naglalakad ang magpipinsang Eyesdrap sa isang gubat sa loob ng Odin City.

“Hello, ako nga pala si Mhumak Eyesdrap. Isa akong mythical shaman ng Cobold. Magaling akong gumamit ng ispada, pero hindi pa ako ganon kalakas pagdating sa pisikalan na lakas. *Tee-hee! Ang paborito kong pagkain ay Potato chips! *Hehe..” Masayang pagkakasambit ni Mhumak sa mga readers ni chufalse.

“Saru Eyesdrap. Katulad ni Mhumak ay isa din akong mythical shaman ng Cobold. Bihasa naman ako sa pag gamit ng pana, crossbow at mga baril.” Walang emosoyong pagkakasambit naman ni Saru sa mga readers ni chufalse.

“Hi, Ako nga po pala si.. Wolkan.. *Hehehe.. Mahilig po akong kumain at hindi pa po ako ganong magaling gumamit ng kahit na anong sandata. *Tee-hee.” Masayang pagkakasambit naman ni Wolkan sa mga readers ni chufalse.

“Magu Eyesdrap po! Mahilig din po akong kumain at medyo magaling na po akong gumamit ng baril. 80% po ang accuracy ko at umaasang gagaling pa.. *Hehehe..” Masaya ding pagkakasambit ni Magu sa mga readers ni chufalse.

 

“Ngayon po ay nasa gubat kami, dahil gusto po na’ming magsanay. Lahat po kasi kami ay bumagsak sa nakaraang “Combat practice” sa subject na Special myth. At sa pamamagitan ng paglaban sa mga nilalang na makikita na’min dito sa loob ng gubat ay posibleng lumakas at gumaling kami sa pakikipaglaban.” Seryosong pagkakasambit ni Mhumak sa mga readers ni chufalse.

Katulad po ng sinabi ni Mhumak ay kasalukuyan po silang nasa gubat ngayon upang magsanay. Kada tatlong buwan kasi ay nagkakaroon ulit ng Combat practice sa subject nilang “Special Myth”, kaya ngayon ay porsigido ang mga pipinsan na mas lumakas pa.

Inabot na ng tanghalian ang magpipinsan, ngunit wala pa rin silang nakikitang mga mababangis na mga hayop o kaya ay mga hayop na dito lang matatagpuan sa loob ng travincial.

“Pagod na ako, kuya Mhumak.” Medyo hingal na pagkakasambit ni Wolkan kay Mhumak.

“Okay, sige. Magpahinga muna tayo at kumain. Almost lunch na din eh.” Tugon naman ni Mhumak kay Wolkan.

Sandaling nagpahinga ang magpipinsan sa isang patag na kalupaan at dito ay kumain na din sila ng tanghalian.

Nagtagal ng halos isang oras ang naging pagpapahinga ng mga Eyesdrap bago sila tuluyang magpatuloy sa kanilang pagsasanay. Naglakad sila ng naglakad, ngunit wala pa rin silang makitang mabangis na mga hayop o kaya mga hayop na dito lang matatagpuan sa loob ng travincial.

“Dapat pala sa gubat ng Herras o Evis city tayo nagpunta eh.” Sambit ni Mhumak sa kaniyang mga pinsan.

“Baliw. Gusto mo na bang mamatay?” Medyo gulat na pagkakasambit ni Saru kay Mhumak.

“Wala naman kasi tayong makita dito, kundi puro kuneho at mga ibon lang eh. Kahit nga mga usa wala pa tayong nakikita.” Sambit muli ni Mhumak.

School of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon