Chapter 21: Ceto city - Ang city capital ng travincial.

35.4K 630 93
                                    

Kinabukasan, malungkot ng umalis ng kanilang bahay si Rain, dahil iniisip pa rin nito ang mga masasalimuot na nangyari kagabi. At nang marating niya ang campus ay biglang pinalibutan siya ng mga istudyante. Pinagkakausap siya ng mga ito at sinabihan ng kung ano-anong mga papuri. Napapangiti na lang siya habang nilalagpasan ang mga istudyanteng bumabati sa kaniya. Hanggang sa hindi na niya namalayang nasa harapan na siya ng kanilang classroom. Sa mga sandaling ito ay nagda-dalawang isip siya kung bubuksan ba niya ang pinto o hindi. Ngunit wala siyang pagpipilian kung hindi harapin ang kaniyang kinatatakutan.

Kasabay ng kaniyang paglunok ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at kalaunan ay sinilip kung sino-sino na ang mga nasa loob. At nang kompirmang wala pa sina Annie at Selina ay dahan-dahan na siyang pumasok sa loob.

Tahamik at walang ingay na naglalakad si Rain sa pinakagilid ng kanilang classroom, ngunit bigla siyang kinilabutan matapos may marinig na pamilyar na boses na nanggagaling sa kaniyang likuran. Agad siyang napahinto at kalaunan ay muling napalunok.

"Naging maganda ba ang tulog mo kagabi, Mr. Rain Esfalls?" Sambit ni Selina.

"Siguro naman maipapaliwanag mo na sa'min ang lahat, dahil alam na'ming bumalik na ang lahat ng mga alala mo tungkol kay Lina." Sambit ni Annie.

Base sa tono ng pagkakasambit ng dalawa ay galit pa rin ang mga ito, kaya dahan-dahang lumingon si Rain sa mga ito.

"Selina? Annie?" Sambit ni Rain.

Ngunit ilang sandali pa ay laking gulat ng lahat, matapos biglang tumalon si Lina patungo kay Rain at kalaunan ay mahigpit niya itong niyakap.

"Lina?!" Sambit muli ni Rain.

"Naalala mo na ang lahat diba?" Sambit ni Lina.

Sa mga sandaling ito ay biglang may namuong masamang aura na bumabalot kina Selina at Annie, subalit may isang bagay silang hindi inasahan at ang bagay na ito ay..

"Hoy Rain Esfalls!! Ba..ba..bakit mo yakap-yakap si Lina?!" Sigaw ni Roby.

Matapos sumigaw ay mabilis na tumakbo patungo si Roby sa kinaroonan nina Rain upang magreklamo.

"Hoy! Magsalita ka, Rain Esfalls! Bakit mo yakap-yakap si Lina?!" Sigaw muli ni Roby.

Sa mga sandaling ito ay biglang naglaho ang masamang aura na namumuo kina Selina at Annie, at dahil ito sa labis nilang pagtataka sa ikinikilos ni Roby. Ngunit ang hindi nila alam ay may gusto si Roby kay Lina. Ang totoo pa nito ay binabalak na sanang magtapat ni Roby nang kaniyang pag-ibig, subalit hindi na niya ito nagawa dahil nawalan na siya ng kompyansa matapos matalo sa naganap na combat practice sa subject nilang special Myth.

"Bakit parang nagagalit ka, Mr. Lyeonel? May problema ba?" Tanong ni Lina

"Oo nga, bakit nga ba nagagalit ka?" Tanong ni Rain.

Nagkatinginan na lang sina Selina at Annie, dahil pati sila ay nagtataka kung bakit nga ba nagagalit si Roby. Samantala, biglang nahiya si Roby matapos niyang mapagtanto ang kaniyang ginawa.

"*Ahh! Ano, gusto ko lang sanang malaman kung ano ang relasyon mo dito kay Rain." Sambit ni Roby.

"*Ahh! Si Rain nga pala ang Fiancée ko." Tugon ni Lina.

Biglang tahimik at kalaunan ay nabaling ang atensyon ng buong class fire-1 kina Rain, dahil sa mga sinabi ni Lina.

*** SFX: Wooooooooooooooosh! ***

"** HEART BREAK SLASH! **" Sambit ni chufalse habang nakangiting sinusulat ang mga salitang ito.

*** SFX: Shaaaaaaaaaaaaak! ***

School of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon