Chapter 26: Ensign Lionheart - ang kaniyang Descendant

30K 544 49
                                    

Labis na nagulat sina Annie matapos makita si Selina, dahil batid nilang nabihag ito ng mga lalaking umatake sa kanila kahapon. Ngunit gayumpaman ay labis na natuwa ang magkakaibigan, dahil ligtas na ngayon ang kanilang kaibigan. Ilang sandali pa ay mabilis na tumakbo si Annie at kalaunan ay mahigpit niyang niyakap si Selina.

"Ang bilis naman at nailigtas ka na ni Rain! Teka, nandito na din ba siya?" Sambit ni Annie.

"Ako? Iniligtas ni Rain?" Tanong ni Selina.

Agad nagkatinginan ang apat dahil labis silang nagtaka sa mga sinabi ni Selina. Sa pagkakataong ito ay itinigil na rin ni Annie ang kaniyang pagkakayakap at kalaunan ay hinanap si Rain sa loob ng kanilang classroom.

"Teka, ano ba ang nangyari sayo Selina? Papaano ka nakatakas sa mga kumidnap sayo?" Tanong ni Mark.

"Oo nga! Ang sabi kasi ni Mark na na-kidnap ka daw ng tatay ni Riki." Sambit ni June.

"Tatay ko?" Sambit ng isang lalaki.

Labis na nagulat ang magkakaibigan, dahil biglang may lumabas sa kanilang tabi.

"Ay putong inamoy! *Waaaaaaa! Ri..ri..ri..riki? Kamusta? Magaling ka na pala. *He..hehe.." Sambit muli ni June.

"Magaling ka na pala, Riki Maru." Sambit ni Lina.

Ngunit hindi tinugon ni Riki si Lina at tinignan lang niya ang magkakaibigan.

"Mukhang hindi nyo yata kasama si Rain. *Tsk! Hinding-hindi ko siya mapapatawad." Sambit ni Riki.

Matapos magsalita ni Riki ay bumalik na ito sa kaniyang upuan. Samantala, nabadtrip naman ang magkakaibigan sa sinabi ni Riki. Ngunit ilang sandali pa ay nagsimula na muli silang magtanong kay Selina.

"Sandali, totoo bang na-kidnap ka nang tatay ni Riki?" Tanong ni Annie.

"*Ahh! Oo, pero nakatakas agad ako sa kaniya ng magkamalay ako." Tugon ni Selina.

"*Grrrrr! Bakit hindi mo man lang kami tinawagan? Nakakainis ka! Alam mo bang hindi ako nakatulog kakaisip sa kalagayan mo kagabi?!" Sambit muli ni Annie.

"Sorry! Sorry! Kinausap kasi ako ng aming clan leader kagabi, kaya nakalimutan ko na kayong tawagan." Sambit muli ni Selina.

"Teka.. kung ganon, ililigtas ako ni Rain? Alam ba niya ang kuta ng Yami clan? Pero teka, papaano kung alam ng kaniyang master ang lugar kung saan nagkukuta ang Yami clan? Delekado ito." Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.

"Mabuti naman at ligtas ka! Sobra talaga akong nag-alala nung malaman kong na-kidnap ka." Sambit muli ni Annie.

"Ako nga ang nag-alala sayo, Annie. Mabuti naman at ligtas at okay ka na. Maraming salamat nga pala sa pagkakaligtas mo sa'kin, kung hindi dahil sayo baka hindi ako nakatakas sa mga kalaban." Sambit muli ni Selina.

Sandaling natahimik ang magkakaibigan at kalaunan ay masaya silang nagtinginan.

"Nabanggit mo Annie kanina na iniligtas ako ni Rain. May sinabi ba siyang ililigtas niya ako?" Tanong ni Selina.

"*Uhm!.. *Ahh! Tama! Wait, tatawagan ko lang si Rain para masabi na sa kaniya ang magandang balita." Sambit muli ni Annie.

Matapos magsalita ni Annie ay agad nitong kinuha ang kaniyang telepono at mabilis na tinawagan si Rain.

Samantala, habang kasalukuyang naglalakbay sina Rain, patungo sa pinaghihinalaang kuta ng Yami clan ay biglang tumunog ang telepono nito na agad naman niyang sinagot.

School of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon