Chapter 43: Nagniningas na mga apoy - sa pagsiklab ng galit

16.5K 365 49
                                    


July 19, CS240. Maagang gumising si Rain sa araw na ito. Halos alas tres pa lang ng madaling araw ay umalis na siya upang salubungin ang pwersa ng mga tao na sasalakay ngayon sa travincial. Walang alam sina Rachelle at Drake sa binabalak ni niya, kaya ng magising si Rachelle ay nagtaka na ito ng hindi niya makita si Rain sa loob ng kanilang bahay.

Samantala, 8:00 am, kasalukuyang oras ngayon at kasalukuyan ding nag-uusap sa mga oras na ito ang magkakaibigan sa loob ng kanilang classroom.

"Grabe, hindi ako makapaniwala sa lakas na ipinakita ni Rain sa'tin kahapon." Sambit ni David.

"*Uhm! Kahit nga ako nagulat din eh. Sobrang nakakamangha ang lakas ni Rain ngayon. Sa apat na araw na pagkawala niya, hindi ko aakalain na ganon na siya kalakas." Sambit ni Mark.

"*Tsk! Lokong Rain yon! Ngayon, kailangan ko na ding magsanay ng magsanay para mas lalo pa akong lumakas." Sambit ni Aron.

"Pero, kamusta na kaya si Rain ngayon?" Tanong ni Annie.

"Don't worry, Annie. Walang magagawa ang mga tao sa kapangyarihan niya. Sa tingin ko nga, kayang ubusin ni Rain mag-isa ang mga susugod sa'tin eh." Sambit ni Selina.

"Tama si Selina, walang masamang mangyayari kay Rain." Sambit ni Lina.

"*Uhm! *Uhm!" Walang emosyon namang pagsang-ayon ni Alex.

"Siguro ang reason ng mga clan leader na hindi sabihin ang masamang balitang ito sa mga naninirahan dito, is kayang-kaya talaga nilang itong harapin kahit iilang mythical shaman lang ang lumaban." Sambit ni Melisa.

"Tama ka Melisa. Sa oras na may mag take-over mode lang sa aling mga clan leaders, siguradong ubus ang mga hukbo ng mga tao sa isang iglap lang." Sambit ni David.

"*Hmm.. Tama ka nga, sana naman hindi na matuloy itong pagsugod ng mga tao sa'tin, para naman hindi na mas lumaki ang galit at takot nila sa lugar na'tin." Sambit muli ni Melisa.

"Sana nga." Sambit muli ni Annie.

Mapunta naman tayo ngayon kay Rain sa kaparehong oras. Matapos niyang malakad ang apat na kilomentro at mala-desyertong daan sa labas ng travincial. Kasalukuyan na siya ngayong naghihintay sa isang daan na malapit sa may bayan. Sa mga oras ding ito ay nakakakita na siya sa kalangitan ng ilang mga fighter jets na pabalik-balik sa pinaka malapit na bayan sa travincial.

"*Tsk! Sana makita ko agad si June." Sambit ni Rain.

Makalipas pa ang isang oras na paghihintay ay isa-isa na ngang nakikita ni Rain ang pwersa ng mga taong sasalakay sa kanila. Sobrang daming sundalo, mga sasakyan at mga tangke. Ang bawat hukbo ay may dalang iba't-ibang bandera, indiskasyon hindi lang isang bansa ang nasa pwersang yon. Mga may 400 milya pa ang layo ng pwersa ng mga tao kay Rain ay humarang na ito sa kalsadang dadaan ng mga ito.

Mapunta naman tayo sasakyang gamit nina June. Nasa unahan ito ng kanilang hukbo at gamit ang binoculars ay agad nilang napansin ang isang binatang lalaki na nakatayo sa gitna ng daang tinatahak nila.

"Sir Noel! May nakikita po akong isang batang lalaki nasa gitna ng isang daan." Sambit ng isang sundalo.

"Nasaan, pakita nga?" Tugon ni Noel.

Matapos masalita ay agad ibinigay ng sundalo kay Noel ang gamit nitong binoculars. Agad namang tinignan ni Noel ang batang tinutukoy nito.

"Teka, Hindi ba't kaklase mo ang batang yon, June?" Sambit ni Noel.

Labis na nagulat si June sa kaniyang mga narinig, kaya agad na siyang napalingon sa kaniyang ama at kalaunan ay nagsalita.

"*Haaah!? Nasaan po Papa?! Pakita ako!" Sambit ni June.

School of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon