Chapter 44: Wakas - Galit at pighati.

25.1K 424 81
                                    

Sa mga oras na ito ay halos nasa kalagitnaan na ng disyerto ang mga pwersa ng mga tao. At halos may dalawang kilometro na lang ang layo nila sa travincial. Hindi pa rin alam ni Noel kung nasaan na si Rain at ang kaniyang anak sa ngayon, dahil mabilis itong nawala sa kaniyang paningin kanina.

Makalipas pa ang kinse minutong pagsulong, gamit ang binoculars ay nakita na ni Noel si Rain na mabagal na naglalakad patungo sa kanila. Subalit sa ngayon ay nag-iisa na ito at hindi kasama ang kaniyang anak, kaya naman agad siyang nag-alala. Sa ngayon ay muli siyang nagkaroon ng dahilan upang magalit sa mga nilalang na dating kumuha sa kaniyang anak.

May 500 metro ang layo nina Noel sa travincial ay agad na siyang nagbigay ng utos upang umatake, gamit ang kaniyang radio communication devise.

"All units! Attack!" Sigaw ni Noel.

*** SFX: BOOOOOM! BOOOOOM! BOOOOOM! TA TA TA TA TA TA! BOOM! BOOM! BOOM! ***

Agad pinaulanan ng mga pag-atake si Rain ng buong pwersa ng mga tao. Tumagal ng mga limang minuto ang ginawang pag-atake, sunod-sunod ito at halos walang hinto.

"All units hold you fire! I repeat! All units hold you fire!" Sigaw muli ni Noel.

Sa mga oras na ito ay nabalutan ng makapal na usok ang pwesto ni Rain, ngunit ilang sandali pa ay biglang nawala ang makapal na usok. Agad ginamit ni Noel ang kaniyang binoculars upang alamin ang kalagayan ngayon ni Rain, ngunit laking gulat niya sa kaniyang nakita. Si Rain habang nakatayo at nag-aapoy sa isang malalim na hukay.

Samantala, labis ang galit na nararamdaman ni Rain sa pagkakataong ito, kaya naghahanda na siya sa kaniyang gagawing pag-atake.

"Hindi ko kayo mapapatawad sa pagpatay sa kaibigan ko." Sambit ni Rain.

Ilang sandali pa matapos magsalita ni Rain ay inangat nito ang kaniyang kanang kamay at matapos nito ay muli na siyang nagsalita.

"** RISING SUN! **" Sambit ni Rain.

Matapos magsalita ay isang malaking bolang apoy ang mabilis na nabuo sa kaniyang kanang kamay. Halos kasing laki ito ng isang palanggana na kalaunan ay mabilis na lumipad pa itaas.

Ilang sandali pa ay kasalukuyan ng nasa kalangitan ang malaking bolang apoy na nilikha ni Rain. Sa mga oras na ito ay huminga siya ng malalim at matapos nito ay malakas na siyang nagsalita.

"**ARMAGEDDON! **" Sigaw ni Rain.

*** SFX: *Puuuuuuuuuuuun.. *Mute! *PYUUUUN.. BOOOOOOOOOOOOM! ***

Agad sumabog ang bolang apoy o yung "Rising Sun" na isa sa mga natatanging skill ng mga phoenix. Sa pagsabog nito ay lahat ng lumilipad sa kalangitan ay sumabog at kasunod nito ay mabilis silang naglaho. Walang bakas ng mga bakal ang nahulog sa lupa, dahil ang mga ito ay agad natunaw gawa ng sobrang init na nagmula sa pagsabog ng Rising sun. Tanging mga amoy ng natunaw na bakal at mga nasunog na laman, ang naging bakas ng mga makinaryang panghipapawid.

*** Note: Ang "Rising sun" ay natatanging skill ng mga Phoenix. Tanging master class lang ang may kakayahang gawin ang skill na ito, dahil sa paraang ito ay nakakalikha ang mga phoenix ng isang artificial na araw sa pamamagitan lang ng kanilang purong kapangyarihan. Hindi ito ganong kalakihan ngunit sobrang init din nito.

Ang "Armageddon" naman ay ang nag-tri-trigger upang sumabog ang Rising sun at ang lahat ng matamaan ng sumabog na liwanag nito ay matutunaw sa sandaling oras lang. Labis itong mapanganib gayon din sa mga phoenix na gumagamit nito, dahil malaking porsyon ng kanilang lakas ang nawawala/nababawas/nakakain sa oras na gamitin nila ang skill na ito. ***

School of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon