Pinapanood ko si Cexchia habang kumakain siya ng rocky road ice cream na in-order nito. Nasa restaurant ko kami ngayon.
"My gosh! Hindi pa ako makamove on sa eksena niyo ng jowa mo sa fashion event ni Guadel!" parang nangangarap na sambit ko. Kilig na kilig talaga ako sa nangyari ilang araw na ang nakalipas. And I have been dreaming the same to happen to me.
"Mahirap talagang magmove on, girl." sabi niya naman habang sumusubo ng ice cream.
"Pagkatapos ng drama, kasunod din ay saya. Naks! Ikaw na may lovelife!"
"Ganiyan talaga ang magaganda, bakla. May lovelife." nakangisi niyang sabi.
Ngumisi naman ako pabalik. "Pero ang pinakamagaganda ay single pa rin hanggang ngayon."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Oh? Eh, bakit single ka pa rin hanggang ngayon?"
"Kasi nga kasali ako sa 'pinakamagaganda'." sagot ko with a 'duh' expression.
"Sabagay. Sino ba naman ang pupuri sa sarili niya kundi siya din lang." pabalewala niyang sagot.
"Kainis ka! Panira ka palagi!" nakabusangot at nakahalukipkip kong sabi. Ganiyan siya ka harsh sa akin!
Tinaasan naman niya ako ng kilay habang kagat-kagat ang kutsarang ginagamit sa pagkain ng ice cream. "Friends always tell the truth to each other. True friends are tactless, you know. Ayoko lang namang umasa ka dahil masakit."
"Dahil napagdaanan mo na yon."
Tumango-tango siya sa sinabi ko. "True. But I'm past that now. Look at me," she even emphasized herself. "Very much happy and in love."
"I can see that." I commented as I leaned closer to examine her face. "Halatang-halata na in love ka nga sa jowa mo."
Napangiti naman siyang parang tanga ng mukhang maalala ang kasintahan. Yucks, kasintahan talaga? "Yep. Gwapo, eh. Saka mahal ko naman talaga ang lalaking yun. Nasaktan niya man ako, but my love for him is greater than the pain he caused me. At least now I am sure that he truly loves me as I love him."
"Para kang baliw!" Tinapunan ko siya ng nilamukos na tissue na sa kasamaang palad ay naiwasan niya.
"Wait until you fall in love." sabi niya sa kaniya.
"Ilabas mo na si Ian at nang ma-in love na ako." Kuminang pa ang mga mata ko sa pagkakaala sa aking Ian. Ang pogi!
"Bukas, out na siya sa market."
Nagtititili naman ako sa narinig. Wala akong pakialam kung nagsitnginan man ang lahat ng tao sa amin. Ako kaya ang may-ari ng restaurant na ito. Palalayasin ko ang manira ng moment ko!
"Oh em gi! Oh em gi! Oh em gi! Talaga, talaga?! Aaahhh! Super excited na ako!" tumitiling sabi ko.
"Oo na, tumigil ka lang!" sigaw ni Cexchia pabalik. "Mahiya ka nga!"
Tumigil naman ako pero pigil na pigil pa rin ng kilig. Nakahawak pa ako sa magkabilang pisngi at parang nangangarap. "Crush ko talaga si Ian!"
"Oo na. Crush mo na. Tumahimik ka lang."
I talked and talked and talked about how handsome Ian is, why I like him and how much I am excited to read his article.
Mabilis talaga akong magkagusto sa mga lalaking mahilig kumain o kaya magaling magluto. Kaya ang mga past boyfriends ko ay either chef or foodie.
Napansin kong hindi nakikinig si Cexchia sa akin. Patuloy lang siya sa pag-ubos ng ice cream ngunit halatang may iniisip siyang iba. Hindi kaya...
"Oy! Wag mo ngang maubos ang autobiography ko! Para may masabi pa ako sa kwento namin ni Ian! Inuubos mo na, eh! Magkakatuluyan pa nga kami." saway ko sa kaniya. Uunhan niya pa akong ichismis ang sarili ko sainyo.
BINABASA MO ANG
TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔
Romance2nd installment of The Billionaire Bachelors Series SCHULAIKA GONZALES, restaurateur and a chef. Sikat ang kanyang restaurant dahil sa masasarap na pagkain na siya mismo ang nagluluto. Enter XRIZCIANNO MONTERO in her kitchen, literally. Isa ito...