EPILOGUE

122K 2.3K 233
                                    

SORRY! Walang update kahapon. Huhuhu Hindi ko naihabol kasi hindi nakikisama si laptop, eh. Hindi nagcha-charge. Pasensya sa mga naghintay.

Ewan ko kung magugustuhan niyo, to. Ito lang talaga kinaya ko. Enjoy!

Wag pong maghanap muna ng special chapters dahil wala pa po yan sa plano ko sa ngayon :) Just trust me, okay? Love you, all!

Unedited

Abala kami ngayon sa kusina at nagluluto para sa company anniversary ng Rodriguez Group of Companies. Mabilis ang kilos namin dahil kalahating oras na lamang ay magse-serve na ng dinner. Hindi kasi buffet ang style. Maglalagay kami ng mga pagkain sa bawat mesa at doon na sila kukuha. Kaya kailangan na naming magmadali para sabay-sabay na mabigyan ang kada lamesa.

Kasama ko sa station si Chef Martin. Nagpapasalamat nga ako na hindi umiiwas sa akin si Martin after the last time we talked. Para pa ngang wala lang sa kaniya yung nangyari at ipinagtataka ko pang parang ang aliwalas ng kaniyang aura although minsan may nakikita pa rin akong sakit sa mga mata niya kapag tumitingin siya sa akin. Ano kaya ang nangyari?

Natapos naman kami sa oras. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang nakalagay na sa mga bowls at serving plates ang mga pagkain at ready to serve na. Nginitian ko ang mga kasama ko sa kusina at nagpasalamat sa effort nila.

Ilang minuto ang lumipas ng may pumasok na isang waiter. Tinatawag daw ako sa labas ni Dominic dahil ipapakilala niya raw ang head chef sa catering.

Nataranta tuloy ako. Hindi ako prepared! Amoy usok pa ata ako tapos oily face at gulo-gulo pa ang buhok! Saka hindi lang naman ako ang nagluto, ah! Ako lang ang head chef pero marami akong katulong sa trabaho! Bakit ako lang?!

"Relax, Schulaika." natatawang saway ni Martin sa akin. "Maganda ka pa rin, okay? At aka galing kang kusina kaya understandable naman ang look mo."

"Pero... Pero... asawa ni pera..." kinakabahang sabi ko.

He laughed softly. "Go. Credits na lang sa amin sa speech mo, ha?"

"Good luck, Chef!" sabay-sabay na sabi ng staff ko.

Kinakabahang tiningan ko sila at saka bumuntong hininga. Ewan ko talaga kung bakit ako kabado. Aside from the fact na ipapakilala ako unprepared sa buong empleyado ng RGC ay may iba pa akong nararamdaman sa mangyayari.

Kinakabahang naglakad ako palabas kasunod ng waiter na tumawag sa akin. I was chanting "kaya ko, 'to" in my head repeatedly. Nagsasalita sa stage si Dominic habang nasa tabi naman niya ang fiance na si Cexchia. Ipinapakilala niya ito ng opisyal sa lahat ng tao sa loob ng hall na iyon.

"Now that you already know my fiance, I want all of you to treat her nicely or I'll fire you immediately. Are we clear?" seryosong tanong ni Dominic sa lahat. Tumango naman ang mga ito dahil no choice naman sila, di ba? Sinong gustong masesante?

Iniwan ako ng waiter sa gilid ng stage. Hinatyin ko raw na tawagin ako bago umakyat. I exhaled a breath several times to calm myself. Binasa ko ang pang-babang labi ko dahil pakiramdam ko ay natutuyo na ito.

"Oh, and I would like to introduce to everyone the head chef behind the superb foods served tonight. She owns Schulaika's, a restaurant specializing in four different cusines: Filipino, American, Italian, and Japanese. She is also my fiancee's bestfriend. Please give a round of applause to Ms. Schulaika Gonzales." Dominic introduced me.

The crowd gave me a resounding applause and I nervously went up the stage. Kinakabahang tumingin ako sa harapan at nginitian lahat ng mga tao. Shit! Ang dami naman nila!

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon