First and last ngayong araw. Tatapusin ko pa yung tula ko para mamaya. Hindi ko alam kung may update bukas. May quiz bowl kami -.- Mag-aaral ako mamaya. Yun lang :) Enjoy reading!
Unedited.
Nakatanga pa rin ako sa lalaking nagmamaneho ng sasakyan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya.
"You look funny." pigil ang ngiting komento niya.
"Eh, ikaw kasi. Talagang ginawa mo yun? Tinotohanan mo?" nabibigla pa ring sabi ko.
He chuckled softly. "Ikaw lang, eh. Wala kang tiwala sa akin."
Pakshet lang mga bes! Bumili nga siya ng sasakyan sa Toyota kanina! Kagagaling nga lang namin dun, eh. Pero makukuha niya pa raw yung sasakyan after ilang weeks dahil ipa-process pa raw nila.
But all the while he was talking to the sales agent I was just gaping at him.
"Shet! Rich kid ka pala, Martin!"
Nahihiyang ngumiti siya. I even saw a tinge of red on his ear. Namumula pa ang lolo niyo! "Hindi naman. Nag-iipon lang talaga."
"Huu. Pahumble ka pa, dude! Mayaman ka talaga, eh!"
"Hindi nga. Nag-iipon lang kasi talaga. Iba naman yun sa mayaman, no."
"Mayaman ka nga kasi!"
Bumuntong hininga siya na para bang suko na. "Okay. Mayaman na ako."
"Sabi na, eh!" natatawang sabi ko. Aklain mo yun? Sumuko sa akin? Iba na talaga ang ganda ko. "Saan tayo pupunta?"
"Sa mall."
"Sa mall?!" gulat kong tanong. "Bakit sa mall? Nakashades ako, Martin! Magmumukha akong tanga kung papasok ako dun nang nakashades. Hindi ko naman pwedeng alisin to dahil makikita nila ang namumugto kong mga mata--"
"Sshh..." pagpipigil niya sa akin. "Sinong may sabi na papasok tayo? Sa labas lang tayo, no. Magbibilang lang tayo ng sasakyan sa parking lot." nakangisi niyang sabi.
Hinampas ko siya sa braso. Natatawang lumayo siya sa akin.
"Kainis ka!" nakasimangot kong sabi.
"Ito naman, di na mabiro. I just wantes to make you smile. Dahil mas bagay sayo ang nakangiti kesa sa umiiyak sa walang kwentang lalaki." seryoso niyang sabi.
Natahimik ako. Naalala ko na naman siya. Naalala ko na naman ang dahilan ng pag-iyak ko kagabi. Naalala ko na naman kung bakit ako nasasaktan. Naalala ko na naman na--
"Oh, shit! I'm sorry, Schulaika. I didn't mean to remind you. I'm sorry." hinging paumanhin ni Martin na halatang guilty.
Nginitian ko lamang siya at umayos na ng upo. Isinandig ko ang aking ulo sa bintana at doon itinuon ang pansin. I sighed.
Nararamdaman ko na naman ang pag-iinit ng mga mata ko. I shut my eyes tight as I willed myself not to cry.
Napuno ng katahimikan ang buong biyahe namin papunta sa mall. I thank Martin na hindi na siya nagsalita pa dahil hindi ko alam kung kaya ko pang pigilan tong mga luha ko once I speak. Ganiyan ako, eh. Kapag pinipigilan ko ang luha ko tapos may kakausap sa akin o kaya magsasalita ako, babagsak na lang sila bigla.
Makalipas ang ilang sandali ay naghahanap na ng mapaparadahan sa parking area si Martin. Tahimik pa rin kami hanggang sa makababa na kami sa sasakyan. Magkaagap kaming naglalakad papasok ngunit may sapat akong distansya mula sa kaniya.
Pagkadaan sa security guard ay nagtabi kaming muli. I felt his hand brush against mine kaya napaigtad ako at napalingon kaagad sa kaniya. He was just looking ahead but I can see that he wanted to do something. Pasimple akong lumayo ng kaunti. It felt awkward, really.
BINABASA MO ANG
TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔
Romance2nd installment of The Billionaire Bachelors Series SCHULAIKA GONZALES, restaurateur and a chef. Sikat ang kanyang restaurant dahil sa masasarap na pagkain na siya mismo ang nagluluto. Enter XRIZCIANNO MONTERO in her kitchen, literally. Isa ito...