Unedited.
Nagpupunas pa ako ng luha at pasinghot-singhot pa habang papasok ng bahay. Mabuti na lamang at hindi nanlabo ang paningin ko habang nagda-drive kanina dahil kung hindi, sa ospital ang diretso ko or worst sa morgue na.
Nahinto ako sa may sala ng makitang nakangiting papalapit sa akin si Mommy. Napatingin ako sa relo ko at nakitang alas kwatro pa lamang ng hapon. Bakit nandito na si Mommy? Nagtatakang tiningnan ko siya. She stopped in front of me and held me in arms length.
"Hi, baby!" bati niya pagkalapit.
"Mommy," I kissed her on his cheek. "Why are you here this early? Di ba po dapat nasa ospital pa kayo?"
"Nag-undertime, baby. Gusto ko sanang magbonding tayo dahil ilang araw na tayong hindi nagkakasama. I missed my daughter."
My heart melted with what my mother had said. I smiled tenderly at her and hugged her.
"I love you, Mommy." I whispered on her ear.
"I love you, too, baby." I heard her smile in her voice.
I felt him caressed my back and that made my eyes tear up for an unknown reason. Basta pakiramdam ko lang ay gusto kong umiyak habang yakap-yakap sa akin. She is giving me comfort na para bang lahat ng sakit ay pwedeng mawala basta kasama at yakap ko siya.
Muli, my mother held me in arms length and was shocked to see my tear stung face. Nag-aalalang pinunasan niya ang mga luha sa mga mata ko. "Why are you crying, baby?"
Nakangiting umiling ako sa kaniya at muli siyang niyakap. My mother caressed my back again and gave me comfort. Mas lalo akong naiyak sa pagmamahal na ipinaparamdam ni Mommy sa akin. I wanted to tell her everything but I think this is not the right time yet.
"Schulaika, bakit ka umiiyak, anak?" nag-aalalang tanong pa rin ni Mommy.
"Wala po, Mommy. I love you." pabulong na sabi ko.
"Shh... it's okay. Whatever it is, it's okay, anak. You can cry on Mommy's shoulders. I love you." malambing na sabi ni Mommy.
Mas lalo akong napaiyak sa narinig ko. I really love my parents because they are simply the best parents in the whole wide world.
"Oh, may group hug pala rito hindi man lang kayo nag-invite."
Napatingin ako sa nagsalita. Nakangiti si Daddy habang naglalakad palapit sa amin ngunit nawala ang masayang ngiting iyon ng makita akong umiiyak.
"Why are you crying, Schulaika?" tanong ni Daddy ng makalapit sa amin.
Umiling lang ako at kumalas sa pagkakayakap kay Mommy at nilapitan si Daddy. Siya naman ang niyakap ko at hinalikan sa pisngi.
"Hello, Dad. I love you." sabi ko.
My father held me on my shoulders and regarded me seriously. Bigla akong kinabahan sa mapanuring tinging ibinibigay niya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. I was afraid that my father would know what I am feeling right now.
"Schulaika Gonzales..." my father said with warning on his voice.
Napapikit ako ng mariin bago tiningnan muli si Daddy sa mga mata. "Yes, Dad?"
"Why are you crying?" seryosong tanong niya. And my father being serious is equals to scary.
"P-po? Ahm..." Shit! What to say, what to say? "Napuwing?" nakangiwing sagot ko.
"Don't give me that cliche answer, Schulaika. Why. Are. You. Crying?"
Sabi ko nga hindi maniniwala si Daddy, eh.
BINABASA MO ANG
TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔
Romance2nd installment of The Billionaire Bachelors Series SCHULAIKA GONZALES, restaurateur and a chef. Sikat ang kanyang restaurant dahil sa masasarap na pagkain na siya mismo ang nagluluto. Enter XRIZCIANNO MONTERO in her kitchen, literally. Isa ito...