CHAPTER 41

67.2K 1.5K 148
                                    

Anong nangyari kay Ian after siyang i-abduct ng mga aliens--este ng tatay ni Schulaika? Hmm... ABANGAN! Pati na rin ang naganap na "pag-uusap" sa pagitan ni Martin at Ian ay malalaman niyo rin sa takdang panahon.

May #TeamMarShien na rin pala? Hahaha Kayo talaga! Naibugaw ko na si Martin!

Unedited.

Xrizcianno's Point of View

7:00 am.

Napahinga ako ng malalim habang nakatingin sa relong pambisig ko. Napatingin ako sa bahay na nasa harapan ko. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa bulaklak na nasa kamay ko at pakiramdam ko ay kumirot ang braso kong naka-sling pa.

Bigla ring umatake ang kaba sa akin nang maalala ang tatay ni Schulaika. Bigla rin akong namawis ng malamig at pakiramdam ko ay maiihi ako sa pantalon ko. Shit naman, o! Nasisindak ako sa tatay ng babaeng nililigawan ko!

Kung hindi lang talaga ako nahuhulog na sa kagandahan ni Schulaika, hindi ako pupunta rito para manligaw. But I wanted to talk to her parents and tell them my pure intentions for their daughter. Sana lang wag nang manakit ang tatay niya. Masakit pa ang braso ko at two weeks pa bago gumaling.

Huminga muna ulit ako ng malalim bago nag-umpisang maglakad palapit sa gate ng bahay. Parang ang bigat ng mga paa ko habang naglalakad. Shit! 

Lord, please help me. Sana wala po ang tatay ni sweetie. Amen.

Nang magdoorbell ako ay kaagad namang lumabas si Nana Inez--ang siya ring nagbukas sa akin gate noon ng minsang dumalaw ako sa kanila.

"Oh, hijo. Ikaw pala yan." nakangiting bati nito sa akin. "Nandito ka na naman ba para sa alaga ko?"

"Good morning, Nana!" nakangiti ko ring bati. "Opo, nandito po ako para kay Schulaika. Nakaalis na po ba siya?"

"Hindi pa, hijo. Nag-aagahan sila ngayong mag-anak. Tuloy ka." Pinagbuksan niya ako ng gate.

Nginitian ko lamang si Nana Inez pero deep inside, parang gusto ko nang tumakbo ng malamang nasa loob pa ang tatay ni Schulaika. Naman! Hiniling ko pa naman sanang wala sa loob ang tatay niya!

Pero hindi! Kaya ko ito! Aja.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit ako sa bahay. Pakiramdam ko ay lahat ng dugo ko umakyat na sa ulo ko at naririnig ko na ang pagdaloy nito sa katawan ko sa sobrang kaba.

"May bisita tayo." anunsiyo ni Nana Inez pagkarating namin sa dining area.

Sabay-sabay na umangat ang tingin nila sa akin. Nahigit ko bigla ang aking hininga ng magsalubong ang paningin namin ng tatay ni Schulaika. Matalim ang tingin niya ngunit lihim siyang nakangisi sa akin. He even eyed my sling and man, parang sumakit bigla ang braso kong injured!

Napalunok ako ng lihim. "G-good morning, Sir. Ma'am."

"Oh, hijo! Good morning!" nakangiting bati ni Mrs. Gonzales.

"Ian." said that sweet voice.

Napalingon ako roon. Gulat na nakatingin sa akin si Schulaika na para bang hindi makapaniwalang nakatayo ako sa harapan nila. I felt my lips stretched into a very wide grin when I saw her. Ang kaninang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba at takot sa tatay niya ay biglang bumilis dahil sa pagkakasilay sa kaniyang magandang mukha.

Damn! I missed her so much! And I was actually ecstatic to see her this early in the morning. Parang lahat ng pangamba at kabang naramdaman ko kanina ay nag-evaporate at bigla ay parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko.

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon