CHAPTER 43

61.5K 1.2K 88
                                    

Last na ngayon talaga. Paexpire na load ko sa wifi.

Unedited.

Nakarating kami sa mall. Oo, as in sa mall. Akala ko nga noong una ay doon kami dideretso sa Schulaika's dahil doon talaga kami pumunta after naming magsimba para diretso na rin ako sa pagtatrabaho.

"Dad, bakit nasa mall tayo?" tanong ko habang nagpa-park si Daddy.

"Para naman maiba, anak." bale-walang sagot ni Daddy. "Mas magandang magmall tayo ngayon."

"Pero, Daddy, marami pong tao diyan. Baka po pagkaguluhan si Ian ng mga tao. Alam mo naman pong isa siya sa billionaire bachelors." nag-aalalang sabi ko.

Ngumiti lang ng makahulugan sa akin si Daddy bago siya bumaba ng sasakyan para pagbuksan ng pintuan si Mommy. Oo, hanggang ngayon ginagawa pa rin yan ni Daddy kay Mommy. Kaya mahal na mahal ng nanay ko ang tatay ko kahit hindi halata.

Ako naman ngayon ang pinagbuksan niya ng pintuan. Ganiyan talaga si Daddy kasweet. Pampered kami ni Mommy palagi.

"Daddy, sa resto na lang tayo." pagpupumilit ko pa.

"Dito na lang, anak. Nandiyan na ang dalawang asungot." tukoy nito sa papalapit na sina Ian at Martin na halatang nag-uunahan pa sa paglapit.

"Daddy..." saway ko. "Maging mabait ka naman po sa kanila. Maayos naman po silang humarap sainyo."

"Oo nga, Nicolas Roberto." sang-ayon ni Mommy. "Umayos ka nga. Sira-ulong 'to."

Tumahimik na lang si Daddy hanggang sa makalapit na sa amin ang dalawang lalaki. Sabay-sabay na kaming pumasok sa loob. Nahalata ko kaagad ang paglingon ng iilang babae sa gawi ni Ian. Inatake tuloy ng selos ang puso ko. Parang gusto kong isako yung mga babae tapos ipasagasa sa mga dumaraang sasakyan sa parking.

Nagpahuli ako ng kaunti at sumabay sa paglalakad ni Ian. I saw him raised a brow at me but smiled nevertheless. Natigil tuloy ang pagdaloy ng neurons sa utak ko at nakatitig na lang ako sa kaniya. Shit, pati puso ko umieksena na rin!

"Yes, sweetie?" malambing na tanong niya na ako lang ang nakakarinig.

Shit na puso to, oo! Hinay-hinay naman sa pagtibok at baka makalabas ka sa rib cage ko. Sabagay, sasaluhin ka naman ni Ian my labs. Hihihihi

"Ha? Ahm," I cleared my throat. "W-wala. Wala naman."

"Schulaika..." Napalingon ako kay Daddy na tumigil na pala sa paglalakad at masama kung makatingin kay Ian. "Halika rito sa tabi ko, anak. Wag kang tumabi sa mga nagpapanggap na tao."

Lumayo naman bigla si Mommy sa tabi ni Daddy. Nagtatakang tiningnan siya ng aking ama.

"Sabi mo wag tatabi sa mga nagpapanggap na tao. Ayan, lumayo ako saiyo." pa-inosenteng sabi ni Mommy.

"Agatha Mildred..." my father said in a warning tone.

"I love you, too, Nicolas Roberto." nakangiting sabi ni Mommy. "Halina kayo! Kainan na!"

Napabuntong hininga na lang ako sa kakulitan ng mga magulang ko. But they are still sweet. Parang hindi nabawasan ang pagmamahal nila sa isa't isa bagkus ay dumadagdag pa ito sa paglipas ng panahon.

I want that kind of love.

Napatingin ako kay Ian na sa akin din pala nakatingin. Naramdaman kong muli ang mabilis at malakas na pagpintig ng puso ko ng magtama ang mga paningin namin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang kinikilig na ngiting gustong kumawala mula sa aking mga labi.

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon