CHAPTER 38

68.9K 1.4K 121
                                    

Hindi ko alam kung bakit kapag P.O.V ni Xrizcianno, enjoy na enjoy ako. Hahaha. Okay, share lang.

Pero kahit enjoy ako sa P.O.V niya, kay Schulaika muna tayo, ha? Anong nangyari kay Ian? Hmm... *wink* *wink*

Unedited.

It was already lunch time kaya dagsa na naman ang orders namin. Mabuti na lamang ay mabibilis ang kilos ng mga kitchen staff ko.

Eksaktong kalalapag ko lang ng isang Filipino cuisine sa food rack ng tawagin ako ng isang kitchen staff. Nilingon ko ito.

"Bakit?" tanong ko.

"Kumain ka na po, Chef. Tapos na po kami. Kami na po muna ang bahala rito sa kusina." ang sabi niya.

Nginitian ko siya at nagpasalamat bago lumabas ng kusina. Gutom na rin ako sa totoo lang. Kaya lang mas gusto kong nauuna muna ang mga empleyado kong magbreak kesa sa akin.

Pagkalabas ko ay agad na natuon sa table 13 ang aking pansin. Nakaramdam ako ng panghihinayang ng hindi makita si Ian. Matapos kong umuwi kahapon sa bahay ay hindi na siya nagparamdam pa sa akin. I actually... miss him.

So ngayon, namimiss mo? Tapos kung makataboy ka kahapon, parang ayaw mong makita. Hay naku, Schulaika! Naiinis na ako sa pagpapakipot mo, ha?

I mentally rolled my eyes at Bebe. Madalas talagang nakakainis tong si Bebe. Bigla-bigla na lang sisingit nang hindi naman kailangan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang opisina. Doon ko na lang balak kumain. Teka, ano nga pala ang kakainin ko? Hmm...

Eksaktong pagbukas ko ng pintuan ay may tumawag sa akin mula sa likuran. Nilingon ko ito at bahagyang nagulat ng makita si Martin.

"Chef Martin," bati ko sa kaniya ng makalapit siya sa akin. "Anong ginagawa mo rito? Di ba, day off mo?"

He stopped in front of me and gave me a sweet smile. "Hi, Chef. Yeah, it is my day off so I decided na pumunta rito. Mabuti at nakita kita."

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Kumain ka na ba?" tila nahihiyang tanong niya.

"Oo. Kaninang agahan." sagot ko.

Kumamot naman siya sa kaniyang batok at natawa ng mahina na para bang nahihiya talaga siya. "Yeah. Well, ng lunch sana. I mean, kung kumain ka na ng lunch ngayon."

I shook my head as an answer. "Hindi pa. Kakain pa lang ako, eh. Bakit nga?"

Nagliwanag naman ang kaniyang mukha at lumawak pa lalo ang ngiti. Nagtatakang tiningnan ko siya dahil sa sayang nakikita ko sa mukha niya ngayon. Masaya ba siya dahil hindi pa ako kumakain? Ayaw niya ba akong pakainin?

"Yayayain sana kitang kumain sa labas." nahihiya niya muling sabi.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at kinabahan ako. Napaatras pa ako ng isang hakbang dahil sa narinig ko mula sa kaniya. I can't explain why am I feeling this way towards what Martin had said. Nakakailang na hindi ko maintindihan.

"Ha? Ahm... s-sa... sa labas?" naniniguradong tanong ko.

He nodded with a shy smile on his face. "Yeah. Sa labas."

"Ahm..." Naglumikot ang mga mata ko dahil naiilang ako ngayon kay Martin. Ganitong-ganito rin yung nararamdaman ko kapag naglalapit kami o kaya magdidikit. "Sa labas talaga? Walang upuan doon, eh. Dito na lang tayo sa loob. Aircon pa."

Napanganga siya sa sinabi ko. He looked at me incredulously and smiled until he laughed. Nahihiyang tumingin ako sa kaniya. Shit! Ang korni ko ata dun mga bes!

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon