CHAPTER 14

75.9K 1.3K 18
                                    

Unedited.

Nakangangang pinagmasdan ko ang bahay sa harapan. Manghang-mangha ako sa laki at ganda nito. Goodness, ang gara ng bahay ni Ian!

It is a three-story mansion with a modern style. Made of concrete and glass. It's elegant. Super elegant! I am at awe. And huge is an understatement to describe Ian's house's size.

"Wow... bahay mo ito?" namamanghang tanong ko na hindi inaalis ang tingin sa harapan.

"Hindi. Mag-aakyat bahay lang tayo."

Agad akong napalingon kay Ian. Nakangisi siya sa akin kaya hinampas ko ang braso niya. Tumawa naman siya. Nakuha pang magbiro.

"Ewan ko sayo!" nakasimangot kong sabi. "Pasok na tayo, dali!"

"Excited?"

"Oo! Paniguradong maraming mamahaling gamit sa loob! Marami akong pwedeng makuha at maibenta." nakangisi kong sagot sa kaniya.

Naiiling at nangingiting pinindot ni Ian ang isang buton sa may dashboard ng kaniyang kotse. Awtomatikong bumukas ang malaking gate ng bahay. Napanganga ako.

"Ay, bongga! Automatic! Gusto ko rin ng ganiyan!" parang batang sabi ko.

Nagmaneho siya papasok sa loob. May ilang metro pang driveway bago makarating mismo sa bahay. Lalong nanlaki ang mga mata ko ng makita ang bahay sa malapitan.

Mas malaki at mas maganda ito sa malapitan kesa sa malayo.

"Wow. Ikaw lang mag-isa rito?" namamangha kong tanong ng makababa sa kotse.

"Nope. I have maids in there." Tumabi siya sa akin pagkaparada niya ng sasakyan. "Let's go."

Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako papasok. Nahigit ko ang aking hininga sa pagdaloy ng kuryente mula sa magkahawak naming mga kamay. Pati pagtibok ng puso ko ay nadamay.

Napaangat ang tingin ko mula sa mga kamay namin papunta sa kaniyang likuran. He was pulling me lightly but his grip on my hand is firm and warm.

Magsasalita na sana ako ngunit nakapasok na kami sa loob ng magarbong bahay. Naiwan sa lalamunan ko ang sasabihin ko sana ng mapagmasdan ang paligid. Napanganga muli ako sa pagkamangha at sa ganda ng bahay niya.

"Wow..." mahinang sabi ko. Nagniningning ang mga matang ipinalibot ko ang tingin sa buong kabahayan.

Everything screams wealth. From the Persian rug to the crystal chandeliers hanging on the ceiling, everything speaks how rich the owner is.

Halatang-halatang napakamahal ng mga kagamitan; ang sofa, ang tv set, ang mga muwebles, lahat! Pati paintings at vases halatang ang mamahal.

"Ang ganda ng bahay mo, Ian!" hindi ko napigilang bulalas. "Ang yaman mo nga! Kikidnapin na talaga kita!"

I heard him chuckle beside me. "You can always kidnap me. Anytime, sweetie. But for now, pakainin mo muna ang mga alaga ko sa tyan. Lalabas na sila, delikado."

My heart skipped a beat when he unconsciously called me sweetie again. And then, he grabbed my hand again.

Hinila niya akong muli papunta sa kung saan. Hindi ko naman mapigilang ilibot ang paningin ko sa nadadaanan namin.

Bonggacious talaga ang bahay niya! Kapag kasal na kami, dito na rin ako titira. I'm so excited, and I just can't hide it! Ang tagal naman kasing magpropose nitong si Ian! Dun din naman ang bagsak namin. Hay naku, pinapatagal pa. Naiinip na ako.

Nang makarating kami sa parteng iyon ng bahay, mas lalong lumaki ang pagkakanganga ko kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. Maluha-luhang ipinalibot ko ang aking paningin sa paligid.

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon