And it was finished. Yes! Sembreak na rin sa wakas!
Unedited.
Napanganga ako. Gulat na nakatitig lamang ako sa nakangiti niyang mukha.
Napakurap-kurap ako makalipas ang ilang sandaling pagkakatulala. Napalayo ako sa kaniya ng mahalatang sobrang lapit na pala namin. Kaya pala ang bilis na naman ng pagtibok ng puso ko.
"G-gusto mo ng date?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
He nodded eagerly. Lumawak pang lalo ang ngiti niya na nagpabilis lalo sa pagtibok ng puso ko. Nakita na naman ang dalawa niyang biloy sa magkabilang pisngi.
Shit naman, heart! Hindi kaya atakihin ako bigla rito sa bilis ng pagtibok mo? Hinay-hinay lang, pwede? Wag kang masyadong kiligin dyan!
"Yes. I want a date from you."
Tinitigan ko siya. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang humingi ng date sa akin. "Bakit?"
"Para makabawi ka sa ginawa mo sa akin." nakangiti pa ring sagot niya.
Napatango-tango naman ako kahit na hindi ko pa rin talaga maintindihan ang sinasabi niya. "Okay. October 29, 2016."
Siya naman ang napakunot ang noo. Nagtatakang tiningnan niya ako. "What was that?"
"October 29, 2016. It's a date, right? Now, I'm forgiven!" nakangiting sabi ko sabay palakpak pa.
Napanguso naman siya at bumagsak ang mga balikat. Tinitigan niya akong muli na para bang nagpapaawa sa akin na hindi mo maintindihan. The childish Ian is back again.
"Schulaika naman, eh..." parang batang pagmamaktol niya.
"Bakit? I have already given you a date. O, okay na tayo, di ba? Napatawad mo na ako." nakangit pa ring sabi ko.
Nabigyan ko na siya ng date, di ba? Sabi niya gusto niya ng date mula sa akin. O, ayan na. Binigyan ko na siya.
He sighed exasperatedly. Parang naiinis pang kinamot niya ang kaniyang pisngi habang nakangiwing nakatingin sa akin. "Naman, eh! Hindi naman yun ang ibig kong sabihin na 'date'. I said, have a date with me."
"Ha? Eh, di ba tinanong kita kung gusto mo ng date. Tapos sabi mo oo, gusto mo ng date mula sa akin. Ayan, I gave you a date!" naiinis na sabi ko sa kaniya.
"Hindi naman kasi yun, eh. Ang sabi ko, have a date with me. Makipag-date ka sa akin! Hindi yung bigyan mo ako ng date. I want to date you. Like go to the mall and stroll, or we'll eat in a romantic restaurant, or we'll be holding each others hands while we are strolling, or we could go on an out-of-town trip. Or, we could just spend our time together doing what we like. That kind of date, Schulaika. I am pertaining to that kind of date." pagpapaliwanag niya.
Muli na naman akong napatanga sa kaniya. Bumilis muli ang pagtibok ng aking puso na para bang excited na excited sa mga pinagsasasabi ni Ian. Even my mind was giving me images of what will happen to the date he is referring to.
He is seriously asking me... on a date?
"Seryoso?!" naibulalas ko.He nodded eagerly again. Para bang excited na excited din siya sa ideya niyang pakikipag-date sa akin.
Tuwang-tuwa ang lahat ng internal organs ko sa katawan. Kaya lang, si brain kasi, biglang nagflash ng isang imahe sa akin. Yung imahe sa airport several days ago. Yung panahon na nakalimutan niya na lamang ako bigla dahil sa pagdating ng babaeng minamahal niya.
Si Nashien.
Naramdaman ko na naman ang sakit na iyon na humihiwa ng paunti-unti sa aking puso. Lahat ng sakit at iniyak ko ay bumabalik sa akin. Lahat ng tissue na nasayang ko ay nagpakita sa akin para ipaalala kung gaano niya ako nasaktan. Ipinapaalala nila lahat sa akin na may minamahal ang mahal ko.
BINABASA MO ANG
TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔
Romance2nd installment of The Billionaire Bachelors Series SCHULAIKA GONZALES, restaurateur and a chef. Sikat ang kanyang restaurant dahil sa masasarap na pagkain na siya mismo ang nagluluto. Enter XRIZCIANNO MONTERO in her kitchen, literally. Isa ito...