CHAPTER 8

81.5K 1.8K 30
                                    

I moaned irritatedly as Paramore's Ignorance blasted in my room. Dumapa ako sa kama at saka tinakpan ng unan ang mga tenga.

Pero kahit na nakatakip na ang mga tenga ko ay naririnig ko pa rin ang intro nito. Naka-full volume ata ang phone ko, hindi ko nai-silent kagabi.

Naiinis na umupo ako sa kama at saka kinuha ang phone sa bedside table kung saan ito nakapatong. I swiped the screen without opening my eyes.

"He--"

"Alam mo ba kung anong oras pa lang, ha?! Istorbo ka, eh! Sino ka ba? Anong kailangan mo? Wala akong pangransom sa kung sino mang kinidnap mo sa pamilya ko. And FYI, nasa kwarto ang mga magulang ko at sinusubukan pa rin nilang bigyan ako ng kapatid kahit nakakadiring isipin. At saka hindi na bata ang mga magulang ko kaya hindi na pwede ang term na 'kidnapper'. 'Oldnapper' na dapat--"

"Bwisit! Tigilan mo nga ako, bruha ka!" sigaw ng nasa kabilang linya, effectively cutting me off.

Nagising ata ang kaluluwa ko sa lakas ng boses niya, natanggal pa ata lahat ng iniipon kong tutuli sa tenga ko; napamulat ako at napataas ang kilay kahit hindi niya nakikita.

Aba, ako ba'y sinisigawan ng walang hiyang taong ito?

"Hoy! Ikaw na nga ang nang-iistorbo ikaw pa ang naninigaw! Ang pangit ng ugali mong bwisit ka, ah! Anong kailangan mo, pera? Wala akong--"

"Punyeta, Schulaika! Tigilan mo ako, okay? Ang aga-aga pinapainit mo ang ulo ko. Si Cexchia to, ang pinakamaganda mong kaibigan. Tapos ano, sinisigaw-sigawan mo lang ako? Aba, baka gusto mong--"

"Oo na. Oo na. Aga-aga nagyayabang ka na naman. O bakit ba? Istorbo ka talaga kahit kailan! Ang sarap pa ng tulog ko, o!" nakasimangot kong sabi. "Dali anong kailangan mo?!"

"Alas nuebe na kaya! Wala ka pa sa restaurant mo. Anong hinihintay mo, ang pagdating ng love life mo? Dude, ipagsisindi kita ng katol para hindi ka lamukin sa paghihintay. O kaya dalian mo na ang pagpunta mo rito dahil ipagluluto mo kami, okay? Dali!"

Napatingin ako kaagad sa digital clock sa bedside table. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang alas nuebe na nga ng umaga. Bukas na ang restaurant at tiyak may mga customer na.

"Shit!" I cursed to myself as I hurriedly got up. Halos magkanda-dapa-dapa ako sa pagmamadali at nahulog ko pa ang phone ko sa sahig ngunit hindi ko na iyon pinansin.

Dali-dali akong pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagmadaling magbihis at mag-ayos.

Agad-agad akong bumaba ng hagdan at dumiretso sa komedor para tingnan kung nandoon pa sila Mommy. Wala na sila. Umalis na raw sabi ni Nana Inez at hindi na ako ginising dahil naghihilik pa raw ako.

As if. Hindi kaya ako himihilik. Pano ko nalaman? Well, I'm gifted. Kahit tulog alam ko ang nangyayari sa paligid ko pati na rin sa akin mismo.

"Hindi ka ba muna kakain, 'Nak?" pahabol na tanong ni Nana Inez habang papalabas ako ng komedor.

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon