Naiinip na ba kayong matapos to? Hahahaha Err... hindi ko alam kung hanggang ilang kabanata ang kwento ng buhay pag-ibig ng ating bida. Basta, kapag nakarating na tayo sa PASASALAMAT na part, kasunod noon ay Epilogue na :)
Unedited.
Kinikilig pa ako habang ikinukwento kay Cexchia ang nangyari kahapon. Nandito kami sa loob ng aking opisina dahil hindi ko na kayang kimkimin ang saya at kilig na pumupuno sa puso ko ngayon. Kailangan kong mailabas ito at baka bigla na lang akong pumutok, malayo pa ang New Year.
"Shit, bes! Seryusli?" kinikilig ding tanong nito. "Anbilibabol! Pero, peste! Kinikilig ako sainyo ni Xrizcianno!"
"Oo nga, eh. Kahit ako kinikilig." nakangiti kong sabi.
"So ayun na nga. Anong nangyari after the kiss?" knikilig na tanong niya.
Hindi ko naman naiwasang pamulhan ng mukha. "So ano, kailangan kong ikwento lahat pati na rin kung paano gumalaw ang mga labi namin sa isa't isa? O kung paano pumasok sa loob ng bibig ko ang dila niya--"
"Eww. Kadiri ka!" putol nito sa iba ko pang sasabihin. Nginisihan ko tuloy siya. "Not taht. What I mean is what happened after you kissed? Was it awkward or hindi lang kiss ang ginawa niyo?"
"Kiss lang talaga!" ang sabi ko na parang naeskandalo sa ipinapahiwatig niya. "Ayoko pa nang ganon, no. Hindi pa panahon."
"Sus, ito naman. Pa-virgin."
"Virgin pa ako, no!"
"Ay talaga, teh? Di nga?"
Dinampot ko ang stapler sa mesa ko at akmang ibabato ito sa kaniya ng tumatawa siyang tumayo upang umiwas.
"Ewan ko talaga sayo, Cexchia. Sana mauntog si Dominic at marealize niyang hindi ka niya dapat pakasalan." naiinis na sabi ko.
Tumatawang umupo muli siya. "Uy, wag kang ganyan. Mahal namin ang isa't isa, no. Anyways, ito seryoso na." Tumikhim pa siya. "Was there an awkward moment after the kiss?"
I leaned back against my seat and smiled. "Actually, there was none. Akala ko nga na maiilang kami after that but no, I just felt like it was a normal thing to do. Nagngitian lang kami tapos ayun, normal na ulit."
"Awh... mahal mo talaga, no?" nangingiting sabi nito.
My smile widened as I felt that familiar tug in my heart. "Oo naman! Sobra."
"So, sasagutin mo na?"
"Baka. Siguro. Pwede." makahulugan kong sagot.
She rolled her eyes at me. "Pashowbiz. Eh paano si Martin? Di ba nanliligaw din sayo yun?"
Natigilan ako ng muling maalala si Martin. Shit, oo nga pala, si Martin! Nag-aalalang tiningnan ko si Cexchia. Parang nanghihingi ng saklolo sa kung ano ang pwedeng gawin.
She sighed and looked at me seriously. "Schulaika, kausapin mo na si Martin. Ipaintindi mo na sa kaniya para tumigil na rin siya. Ngayon pang parang may plano ka nang sagutin si Ian. Patigilin mo na si Martin para hindi na siya umasa pa. Kahit sabihin niyang ginusto niya to, hindi naman pwedeng hayaan mo lang siyang masaktan, di ba? Ipaintindi mo na sa kaniya. Stop him bago pa siya masaktan ng sobra sa ginagawa niya. He tried na rin naman, di ba? But he knew in the first place na si Ian talaga ang mahal mo and he doesn't stand a chance, na kaibigan mo lang siya."
BINABASA MO ANG
TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔
Romance2nd installment of The Billionaire Bachelors Series SCHULAIKA GONZALES, restaurateur and a chef. Sikat ang kanyang restaurant dahil sa masasarap na pagkain na siya mismo ang nagluluto. Enter XRIZCIANNO MONTERO in her kitchen, literally. Isa ito...