CHAPTER 7

85.3K 1.5K 42
                                    

Tapos na kaming magdinner. Nag-aayos na kami para magsara at umuwi.

Halata ang pagod sa aming lahat, lalo na sa mga chefs. Simula umaga ay nasa kusina na kami hanggang sa gumabi.

"Guys, ano kaya kung kumuha run tayo ng day shift and nightshift chefs? Para hindi nakakapagod sa atin." suhestyon ko habang nag-aayos ang iba.

"Magandang idea yan, Chef. Kasi nakakapagod talagang magdamag kang nasa kusina." pagpayag ni Bryan.

"Okay lang sa akin, Chef. Para naman may pahinga talaga tayo." segunda ni Chef Luigi.

Pumayag naman si Chef Mikasa at Chef Martin sa suhestiyon ko. Mukhang natuwa pa nga sila na magkakaroon ng karilyebo sa kusina.

Nakakapagod din naman kasing magluto simula umaga hanggang gabi, di ba?

"And if it's possible, baka pwedeng agahan natin ang closing time. Say nine." suhestyon ni Chef Martin.

We considered that. Sa totoo lang, ten is too late to close. Ang ibang resto nga ay eight pa lang ay sarado na. At saka delikado nang umuwi ng dis-oras ng gabi.

"Sige, mag-ha-hire tayo ng apat na pang-nightshift. And we'll close down the restaurant at nine." sabi ko.

Sabay-sabay kaming lumabas at isinarado ang restaurant. Nagpaalam kami sa isa't isa at saka nagkanya-kanya na ng uwi.

"Bye, Chef Schulaika. Ingat sa pagdrive, ha?" paalam ni Chef Martin.

"Bye, Chef. Ingat din!" nakangiting paalam ko rin. Hinintay niya muna akong makasakay sa loob ng sasakyan bago siya pumasok sa sarili niyang kotse. Nailing na lamang ako kay Chef Martin. Ever since ganiyan na talaga siya--maalalahanin.

Nagmaneho na ako pauwi sa bahay. Pinagbuksan ako ni Nana Inez ng gate pagkarating ko. Agad akong nagpark sa garahe.

"Nana, ako na lang ho ang magbubukas ng gate. Dapat natutulog na ho kayo." sabi ko kay Nana pagkababa ko ng kotse.

"Nakung bata ito. Hayaan mo na ang Nana mo at nag-aalala ako saiyo. Hindi rin naman ako makakatulog." sabi naman ni Nana.

"Si Nana talaga." Niyakap ko na lang si Nana sabay halik sa pisngi nito. "Labyu, Nana."

"Mahal din kita, 'Nak. Hala, matulog ka na at maaga ka pa bukas. Ang Mama at Papa mo nasa ospital pa at may emergency."

"Opo, Nana. Tumawag po sila sa akin kanina. Good night, Nana! Matulog na rin ho kayo."

Umakyat na ako papunta sa aking kwarto. Pagkapasok ay agad akong nagpalit ng damit at nag-ayos para sa pagtulog. Ipinikit ko ang aking mga mata at sinubukang matulog. Ngunit kahit gaano katagal na akong nakapikit ay hindi pa rin ako dalawin ng antok.

Sighing, I sat on my bed and leaned back against the headboard. Kinuha ko ang magazine sa drawer ng bedside table at saka tinitigan ang cover nito.

"Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog ngayon!" pagkausap ko sa cover. "Ngingiti-ngiti ka pa diyan! Hindi na nga ako makatulog. Hmp!"

And as I continue looking at his face on the magazine cover, my mind drifted back to that scene...

My mouth hang open.

I couldn't believe what he said. Me? His personal chef?

"Ah... p-personal chef? Mo?" nauutal na tanong ko.

He nodded. "Yep. My personal chef."

"P-pero... I have my own work here. I can't just be your personal chef and work for you anytime--"

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon