CHAPTER 15

73.2K 1.5K 39
                                    

Unedited.

Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahalo ang sinigang na baboy sa kaldero. Ramdam na ramdam ko kasi ang tingin ni Ian sa likuran ko. Tusok na tusok ako... ng tingin niya. Mainit na mainit... ang tingning ipinupukol niya sa likuran ko.

Hindi tuloy ako makapagconcentrate!

Huminga ako ng malalim at hininaan ang electric stove top. Lumingon ako sa kaniya at huling-huli kong nakatingin siya sa legs ko. Napataas ang kilay ko.

"Eyes up here, Mister." ang sabi ko.

Unti-unting umangat ang tingin niya sa akin. Nakaramdam ako ng kakaibang init mula sa mga mata niyang humahagod sa aking kabubuuan. I held my breath as I waited for him to finish. And after several agonizing seconds, his eyes finally settled on mine.

He smiled sheepishly when he saw that he was caught. "Yep?"

"You are looking at my legs." I said almost in a whisper.

Humalumbaba pa siya at saka muling tumingin sa mga binti ko. I tensed. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan na baka hindi niya magustuhan ang legs ko. Pero ang sabi naman nila, isa sa mga assets ko ay ang makinis at maganda kong legs. Mahaba rin ang mga ito kasi I stand five feet and six inches.

Napalunok ako ng muling umakyat sa aking mukha ang kaniyang tingin. Kakaiba na naman ang tinging ibinibigay niya sa akin. He was looking at me with hooded eyes as if he was thinking wicked ways for my legs.

Girl, baka iniisip niyang nakapalibot yan sa bewang niya habang--

Putik, Bebe! Hindi kita kailangan ngayon! Wag mong dinedemonyo ang utak ko at baka bigla kong lundagin itong si Ian at ipalibot ko talaga ang mga binti ko sa bewang niya!

"Actually, I love your legs, Schulaika." he said seriously while looking at me intently. "And I can't stop thinking about them wrapped around my body."

Napanganga ako sa pag-aming ginawa niya. And damn it, dudes! He was very serious! Sobrang bilis na ng pagtibok ng puso ko, lumalalim na ang paghinga ko, at nanginginig na ang mga tuhod ko. Napalunok pa ako para mawala ang pagkatuyo ng lalamunan ko.

"So next time, do not--and I mean do not--wear something as sexy as that or else I wouldn't be a gentleman anymore, sweetie. And I mean it." he said again seriously.

Napatango na lamang ako sa sinabi niya. Bigla siyang ngumiti na para bang wala siyang kababalaghang sinabi. Napakurap-kurap tuloy ako sa pagbabago ng ekpresyon niya.

Tumalikod na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagluluto. Nararamdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya pinalobo ko ang mga ito. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko ng maramdaman ko muli ang tingin niya sa akin.

I should feel offended or harassed, right? Pero bakit hindi ako makaramdam na parang binabastos ako? I even find it... hot and erotic. And I even liked the idea of wearing denim shorts and long-sleeved polo next time we meet.

Bwisit ka, Bebe! Ayokong ikaw ang palaging gumagana sa utak ko! naisigaw ko sa isip. I want Concon, please!

Tapos, ano? Pagso-suotin ka niya ng saya? O kaya turtle neck at floor-length skirt? pakikipag-away ni Bebe

Kahit nako-conscious ay ipinagpatuloy ko na lang ang pagluluto ng sinigang na baboy na request niya. Nanginginig pa nga ang mga kamay ko, eh. Pasalamat na lang siya at kahit paano, nadidistract ako sa state-of-the-art kitchen niya.

Makalipas ang ilang minuto ay sinarado ko na ang electric stove top at saka inilipat sa malaking bowl ang sinigang na baboy. Dahan-dahan ko itong dinala sa breakfast bar kung saan siya nakaupo. Meron na siyang plato, baso, kutsara, at tinidor pati kanin sa kaniyang harapan.

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon