CHAPTER 34

66.8K 1.5K 93
                                    

May exam pa ako bukas. Pero dahil nastress ako sa exam ko kanina, I decided to update para pampatanggal ng stress bago ulit mag-aral.

Unedited

Pangiti-ngiti ako habang nagluluto. Alam kong nagtataka na sa akin ang mga kasama ko sa kusina dahil kanina lang ay sobrang seryoso ko ngunit ngayon naman ay sobrang tuwa ko.

Bakit? Dahil alam kong by now, umeepekto na ang laxative na binili ko mula kay Dr. Ymar Stroam (pahiram ulit Ms. CeCeLib). Well, hindi naman niya alam na sa paghihiganti ko gagamitin.

"Chef..."

Nakangiting nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Chef Martin pala. Mataman siyang nakatitig sa akin na para bang inaarok (wew. So deep.) ang dahilan kung bakit nag-iba ang mood ko.

"Hi, Chef Martin!" masiglang bati ko na may pakaway-kaway pa.

He regarded me seriously. I gave him my most innocent look. He sighed.

"What have you done?" ang tanong niya.

"Ha?" nagtatakang tanong ko ngunit deep inside, alam ko ang ibig niyang sabihin.

"May ginawa kang kalokohan, no?" titig na titig na tanong niya.

I shook my head and made myself look more innocent to the point na alam kong magdududa na siya. I wanted to burst out laughing dahil na i-imagine ko na ang hitsura ni Montero ngayon. I bit my lip to suppress the laugh that wanted to escape from deep within.

"Schulaika...." Martin said in a warning tone.

"What? I didn't do anything!" I said, still trying to hold back my laughter.

He sighed and patted my head. "I know you did something. And whatever it is, I hope it's not bad. Masama ang gumawa ng masama. Kaya nga masama ang tawag dun."

After he said that, he gave me a smile before turning his back on me. Bumalik na siya sa station niya at nagpatuloy sa pagluluto.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari. But I suddenly felt guilty. There was this gnawing feeling inside that consumes me ngayong napagtanto ko ang sinabi ni Martin.

What you did is really bad, Schulaika. Kahit gaano ka pa nasaktan ng isang tao, dapat hindi ka gumaganti sa ganoong paraan. Bakit? Alam niya bang nasasaktan ka niya? Alam niya bang mahal mo siya? Hindi, di ba? Kaya hindi mo dapat siya ginantihan sa ganong paraan. At kahit alam niyang nasaktan ka niya, hindi pa rin sapat na dahilan iyon upang gumawa ka ng masama sa kaniya. Masama yan, Schulaika. Pwede namang gantihan mo siya discreetly. Yung tipong hindi niya mahahalata masyado. O kaya wag ka nang gumanti. Umiwas ka na lamang sa kaniya. You should say sorry to him. Baka kung ano na ang nangyayari kay Ian, di ba?

Nasapo ko ang aking mukha gamit ang aking mga kamay. Napalabi ako habang nararamdaman ang pag-iinit ng mukha ko. Shit! Nagi-guilty ako, ang putik! May point si Concon, ang aking conservative braincells! Shit talaga! Si Concon talaga ang aking konsensya.

Ang bad nga ng ginawa mo, Schu! Wala naman siyang alam sa nagawa niya, di ba? Pwede ka namang gumanti sa ibang paraan. Or wag mo na lang siyang pansinin. Ang sama mo, Schulaika Gonzales! pagkastigo ko sa aking sarili.

Nakagat ko ang aking mga daliri at tensed na tensed na nag-iisip. Guilty na guilty na tuloy ako sa ginawa ko. Kahit naman kasi nasaktan niya ako, dapat hindi ko na siya ginawan ng ganoon. Sinabi ko pa naman noon na ayoko siyang masaktan dahil mahal ko siya. But what have I done? Sa sobrang kagustuhan kong makaganti man lang, nasasaktan ko na ang taong mahal ko. I am being like him na.

God, I'm so sorry. I'm so sorry Ian.

Nginangat-ngat ako ng konsensya ko ngayon. I nervously bit my nails as I leaned my back on the counter top's edge. Sinampal-sampal ko pa ang aking magkabilang pisngi at napapikit ng mariin. At sa pagpikit kong iyon ay navisualize ko ang maaaring nangyayari kay Ian ngayon.

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon