Unedited.
Nag-aayos na kami ngayon para umuwi. It was already our closing time. Kasama ko ngayon ang mga nightshift staff at ang mga bagong chefs.
"Chef, kanina ka pa nakatingin sa phone mo, ah." puna ni Maribel, ang kinuha kong manager.
Kahit kasi may manager na ang restaurant ay mas gusto ko pa ring ma-manage ito hands on.
Oo, apat na taon bago ko naisipang kumuha ng manager. Kaya ko naman ang dual role, eh. Pero yun nga, I want to lessen my stress kaya I seek for help.
"Ha? Ahm, may hinihintay lang kasi akong text." nakangiti kong sabi.
"Boyfriend mo,Chef?" nanunuksong tanong niya.
Napalingon ako sa kaniya bigla. I felt myself blush at her question. "Ha? Hindi. Wala akong boyfriend."
"Eh, bakit ka nagba-blush? Uy... manliligaw mo, no?" panunukso pa niya.
Nginitian ko na lamang siya at hindi na sumagot. I glanced at my phone again and sighed when there was still no message from him.
He promised to fetch me and drive me home tonight. But he doesn't know what time he will fetch me or did not asked me if I was done.
Baka nakalimutan na niya. Busy siguro sa trabaho. Kung ganon, magta-taxi na lang ako pauwi kahit na ba gabing-gabi na at medyo delikado na sa daan.
I glanced one last time at my phone and found no new message.
Kinuha ko na lamang ang mga gamit ko at lumabas na ng restaurant. I was the last one to go out kaya nagtaka ako ng parang tuod na nakatayo lang sa labas ang mga empleyado ko.
My forehead creased. Tiningnan ko ang kanilang tinitingnan at nahigit ko ang aking hininga ng makilala ito.
He was seating on his car's bumper while his arms were folded over his chest. Nakayuko siya kaya hindi niya pa kami napapansin.
Tulog na ba siya?
"Oh my gosh! Siya ba si Ian Montero?" parang hindi makapaniwalang tanong ng isang waitress.
"Parang siya nga! Bakit siya nandito?" kinikilig na sagot ng isa pa.
"Gosh! Si Chef Schulaika at ang ipinunta niya rito!"
Sabay-sabay na lumingon sa akin ang mga empleyado ko. They all have the same teasing smiles and looks on their faces. Namula tuloy ako ng sobra kaya iniwas ko ang tingin sa kanila at tumikhim.
"Chef, lapitan mo na, dali!"
"Baka nakatulog na yan, Chef!"
"Baka lamukin na!"
Nahihiyang ngumiti ako sa kanila habang naglalakad palapit kay Ian. Naririnig ko pa ang impit na tilian nila sa likuran ko.
Napangisi ako ng maisip na baka nga tulog na si Ian. Pwede ko kayang matry kung totoong nakakagising ang halik ng tunay na pag-ibig? O kaya kung effective ba ang kalokohan ng Sleeping Beauty?
Huminto ako sa harapan niya. Hindi man lang siya natinag mula sa pagkakayuko niya at parang hindi niya naramdaman na may lumapit na sa kaniya.
Pano pala kung bigla na lang siyang kidnapin? Magigising na lang siya nasa lumang warehouse na at nakatali sa upuan?
Itinukod ko ang mga kamay sa aking tuhod at sinilip ang kaniyang mukha mula sa ilalim. Napakagat labi ako ng makita ang nakapikit niyang itsura.
Ang gwapo! Ang sarap gahasain--este titigan pala. Mahaba ang pilik mata tapos ang tangos ng ilong. Yung kutis parang nahiya ang mga pimples na tumambay at mag-iskwater. Shucks!
BINABASA MO ANG
TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔
Romance2nd installment of The Billionaire Bachelors Series SCHULAIKA GONZALES, restaurateur and a chef. Sikat ang kanyang restaurant dahil sa masasarap na pagkain na siya mismo ang nagluluto. Enter XRIZCIANNO MONTERO in her kitchen, literally. Isa ito...