CHAPTER 22

71.4K 1.5K 80
                                    

SALAMAT SA GOOD LUCK NIYO! Medyo maluwag ang time ko ngayon kaya nakapag-update ko. But, the torture is not yet done. Huhuhuhu As usual, marami pa ring kailangang gawin kaya magiging madalang ang update. Sorry.

Unedited.

Malawak ang ngiting bumaba ako ng hagdan ng umagang iyon. Dala ko ang ngiting iyon hanggang pagpasok sa dining area namin.

"Good morning, Philippines!" masiglang bati ko with matching bukas pa ng mga braso.

Nagtatakang tiningnan ako nina Mommy at Daddy. Sinundan pa nila ako ng tingin ng halikan ko sila pareho at habang paupo ako sa upuan.

"You seem happy, baby." puna ni Mommy.

"Because I am, Mommy." nakangiting sagot ko.

"Nana Inez told us you went home late last night." sabi naman ni Daddy.

I nodded. "Yes, Dad. May ipinagluto pa po kasi ako after ng event kagbi. And I lost track of time kay late na po ako nakauwi."

Kumunot ang noo ni Daddy. "Ipinagluto? Lalaki ba yan, anak?"

Nawala ang masiglang ngiti ko at napalitan ito ng isang alanganing ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa aking mga magulang na naghihintay ng sagot. I gave them a peace sign at isang alanganing ngiti. "He he he."

"Schulaika Gonzales..." madilim ang mukhang sambit ni Daddy sa pangalan ko.

Napalunok ako ng wala sa oras kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Hala ka diyan, Schulaika! Bi-beast mode na yang tatay mo!

"Honey, hayaan mo na nga yang si Schulaika. She's already of age yet you still treat her like a child." sabat ni Mommy.

Ibinaling ko ang atensyon kay Mommy. She was smiling at me and I smiled back.

Si Mommy talaga ang mas maluwag sa akin pagdating sa mga bagay-bagay at si Daddy talaga ang parang conservative. Medyo strikto talaga siya pagdating sa akin dahil ako lang naman ang nag-iisa nilang anak plus babae pa.

"Honey, kahit nasa edad na yang anak natin dapat hindi pa rin siya nagpapagabi ng uwi lalo na kung ang kasama niya ay lalaki." pakikipagtalo pa ni Daddy.

"I know, honey. But I trust our daughter that she'll do what's right." ang sabi naman ni Mommy.

"I trust out daughter, honey. The man I do not trust. We did not even know him! What if he is some maniac or a lunatic? I don't want to put our daughter's life in danger."

Napangiwi na lamang ako sa palitan nila ng opinyon. Ang OA din naman ni Daddy. Maniac agad? Lunatic agad? Di pwedeng childish muna?

"Mom, Dad. Nasa harap po tayo ng pagkain. Don't argue." singit ko sa walang kamatayang pagdedebate nilang dalawa.

Umayos naman sila ng upo at nagsimula na rin kaming kumain.

"I want to meet him." biglang sabi ni Daddy.

Nilingon ko siya. "Who, Dad?"

"That guy you are with last night." seryoso pa ring sabi niya.

"You want to meet Xrizcianno?" hindi makapaniwalang sabi ko. Bakit naman gusto niyang makilala?

"What? That's his name? How do you spell that?" nagtatakang tanong ni Daddy.

"X-r-i-z-c-i-a-n-n-o. Pronounced as Sri-sya-no." sagot ko.

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon