Excitement at kaba. Yan ang nararamdaman ko ngayon habang nakatitig sa mukha ni Ian na sobrang lapit sa akin.
Malakas ang tibok ng puso ko at nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi ko maintindihan kung bakit hinihintay kong maglapat ang mga labi naming dalawa; kung bakit gusto kong maramdaman kung ano ang pakiramdam ng halikan niya; kung ano ang pakiramdam ng labi niya sa akin.
Hindi ko alam kung sino ang unti-unting tumatawid ng distansiya sa pagitan ng aming mga mukha ngunit ang alam ko lang ay unti-unting lumiliit ang espasyo sa pagitan namin.
I saw him closed his eyes as our face neared each other. Papikit na rin sana ako ng maramdaman kong nakikiliti ang ilong ko. Bigla akong napapikit at napabaling sa kanan.
"Achoo!"
Ang putsa, napabahing pa ako! Shit, sayang ang pagkakataon! Nawala na ang chance kong mahalikan niya! Nawala na ang chance kong matikman ang labi niya! Nawala na! Bwisit na bahing yan! Ginto na, naging bato pa!
Nakarinig ako ng isang mahinang pagtawa. Nakakunot noong tiningnan ko ang pinanggalingan niyon: si Xrizcianno Montero.
Hindi ko napigilang matulala sa itsura niya ngayon. His eyes lit up with amusement as his shoulders rise and fall. Kung gwapo na siyang nakangiti, ay day, mas gwapo siya ngayon.
Ngunit bigla rin akong nainis dahil sa pinagtatawanan niya ako. Huh! Bastos to, siya nga ang gustong manghalik sa akin, di ba? Tapos ng hindi matuloy, tatawa-tawa siya diyan.
Naku, kapag ako nagkaroon ng pagkakataon, susunggaban kita agad-agad. Humanda ka sa kamandag ko! Matitikman mo ang lupit ng labi ko. Just wait beybeh!
"Bakit ka tumatawa?" pagtataray ko para itago ang disappointment na nararamdaman ko sa pagkakaudlot ng halik.
"Nothing. I'll eat." He made the Sign of the Cross and began digging on his food.
Napanguso ako. Mabuti pa yung kutsara, hindi lang dumadampi sa labi niya, nakakapasok pa sa loob. Nakakainggit tuloy!
And that, my friends, is Bebe--ang berdeng braincells. O bakit? Hindi lang si Cexchia ang may braincells, no. Hmp, si Cexchia lang kasi ang mahal niyo. But doncha worry, mas mamahalin niyo ako.
May kapatid din yan, si Concon the conservative braincells. O di ba? Kambal sila actually kaya lang mas naexpose sa global warming si Bebe kaya ganiyan siya. Si Concon kasi sa usok lang ng kusina naexpose.
"Don't pout, Schulaika."
Nahinto bigla ang pagta-travel ng isip ko sa kung saan-saan ng marinig ang baritonong boses na iyon.
Goodness! Maganda pala ang pangalan ko. Lalo na kapag namutawi mula sa kaniyang mga mapupulang labing kaysarap halikan at papakin!
Ansabi ng pananagalog ko? Oha, oha? Galing ko no?
Nilingon ko si Ian my labs na seryosong nakatitig sa akin. His eyes were focused on me giving me crazy feelings again.
And deym! He looks hotter looking so serious like that! Ulam na. Sarap tikman! Patikim ng abs! He looks very very edible. Yum! (Bebe)
Hindi maaari! Masama yang iniisip mo, Bebe! Hindi yan pwede. Bawal pang tumikim kapag hindi pa iyo. (Concon)
Ignoring the bickering braincells, I focused my attention to the gorgeous man in front of me still with his serious face. I fixed my pouting lips and try my best to look as serious as he.
BINABASA MO ANG
TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔
Romance2nd installment of The Billionaire Bachelors Series SCHULAIKA GONZALES, restaurateur and a chef. Sikat ang kanyang restaurant dahil sa masasarap na pagkain na siya mismo ang nagluluto. Enter XRIZCIANNO MONTERO in her kitchen, literally. Isa ito...