CHAPTER 9

76.2K 1.5K 38
                                    

Nakasimangot pa rin si Ian hanggang ngayon. Kahit kaninang nagmi-meeting sila ni Dominic ay hindi mawala-wala ang pagkakagusot ng kaniyang mukha.

Naghihintay kami ng pagdating ng pagkain namin. Naabutan na kasi ng lunch time ang meeting nila ni Dominic. Actually, dapat nasa kusina na ako ngayon. Kaya lang ayaw akong paalisin ni Cexchia dahil nga raw boring ang pag-uusapan ng dalawa--business.

Kaya imbes na nagluluto ako ngayon sa kusina, isa ako sa mga customers ngayon.

"Ano ba yan, Xrizcianno, ayusin mo nga yang mukha mo. Masama sa negosyo ang nakasimangot." nakangising sita rito ni Cexchia.

Inirapan ito ni Ian (oo as in inirapan. Ang taray nga, eh. Parang babae rin). "Hindi sira ang mukha ko kaya walang aayusin." masungit na sabi nito.

Pinigilan ko ang tawang gustong lumabas sa bibig ko. Parang bata talaga umakto to.

Tumawa si Cexchia sa pagmamaktol ni Ian. Even Dominic had a small smile on his face.

"Move on, Xrizcianno. What's the big deal if Schulaika saw your talent?" panggagatong pa ni Dominic.

Nak ng! Nagkaroon pa ng partner in crime si Cexchia! Grabeng sumuporta si Dominic, ah. All out!

Mas lalong sumimangot si Ian. Nagkandahaba pa ang nguso nito. He looks cute being like that. Ang sarap kurutin! Ang sarap halikan ng nakanguso niyang labi--este sabitan pala ng siyanse ang nakanguso niyang labi. Kayo, ha?

"Ang sama kasi niyang girlfriend mo! Sinabi ng idelete niya na yan, tinatago niya pa pala! Ang sagwa kayang tingnan. Ang isang gwapong kagaya ko, parang tangang sumasayaw. Ng tatlong bibe? Fuck,dude!" patuloy na pagmamaktol nito.

Dumilim ang mukha ni Dominic. He wrapped a possessive arm around around Cexchia's shoulder. "Don't talk about her like that. And she is not my girlfriend. She is my fiancée. And it is not her fault that you danced like an idiot without knowing you were taped. Get over it, Montero."

Ngumisi sa kaniya si Cexchia. Namumula pa ang pisngi niya sa kilig. I rolled my eyes at her. Bruhang to, kinikilig-kilig na lang ngayon.

"I love you, Grae." Ngiting-ngiti pa ang bruha at may pahaplos-haplos pa ng pisngi.

"I love you, too, baby." ngiting-ngiti ring sabi ni Dominic.

I huffed a breath. Ang corny nilang dalawa. Nakakainis.

"Schulaika,"

Bigla ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa pagtawag niya sa akin. Kakaiba ang epekto ng pagkakabanggit niya sa pangalang ilang taon ng binabanggit ng iba ngunit hindi naman ganito ang epekto.

Nilingon ko siya. Muntik pa akong mapahagalpak ng tawa ng makita ang itsura niya. He looks like a lost little child. May namumuo pang luha sa gilid nang kaniyang mga mata.

Para siyang inapi ng stepmother ni Cinderella.

"Ano?" I bit back the laugh that was threatening to escape from deep down.

Bigla siyang nagsumiksik sa aking tabi sabay hilig sa aking balikat at yakap sa aking bewang.

My breath hitched. Ang dating mabilis na pagtibok ng aking puso ay mas dumoble pa nang tumingala siya sa akin at nakita ko ang kaniyang mga mata.

"Inaaway nila ako! Ipagtanggol mo ako, please!" pagpapaawa pa nito.

Gusto ko mang tumawa dahil ang laki-laki niya ay nakasiksik sa akin at nagpapaawa ngunit hindi ko nagawa dahil na rin sa epekto ng aming pagkakalapit.

Tsansing din itong si Kuya, eh. Pero sige lang. Tsansing pa more, Ian my labs.

Pilit ko naman siyang itinulak. O, bakit? Hindi na pwedeng magpakipot? Tss.

"Tumigil ka nga. Para kang bata. Ang laki-laki mo na. Act your age, dude." sabi ko sa kaniya para itago ang kakaibang pakiramdam na halos yakap niya na ako sa kaniyang mga bisig.

Shucks, girl! Ang tigas ng braso! May maskels!

"Uy, o! Bagay kayo."

Napalingon ako sa nakangising si Cexchia. Hawak niya ang kaniyang cellphone at iniharap ito sa amin para ipakita ang nasa screen.

Pinigilan ko ang kilig ng makita ang litrato roon. True to Cexchia's words, bagay nga kami.

It was a picture of Ian and I nung nagsusumbong siya sa akin. Saka ko napansing malapit pala ang mukha namin sa isa't. Bakit hindi ko napansin kanina? Di sana ibinaba ko pa ang mukha ko, di ba?

"Uy, ang ganda ko rito. Pa-share it ako, ah?" Kinuha ko ang phone ko at i-shinare it nga ang picture sa cellphone ko. Afterwards, I set it as my wallpaper.

Geez. First picture together. And the first of many.

"Patingin nga." Inagaw ni Ian ang cellphone ko at tiningnan ang picture. "Uy, gwapo ko rito, ah. Papasa rin!"

Kinalikot niya nga ang cellphone ko at saka inilabas ang kaniyang cellphone bago ipinasa ang litrato. Nakangisi pa siya habang gingawa iyon.

Sisilipin ko sana kaya lang bigla niyang inalayo ang mga cellphone. Kunot noong tiningnan ko siya.

"Wag ka nang sumilip. Magkakakuliti ka niyan." nakangisi niyang sabi.

I rolled my eyes at him and sat properly. Sakto namang dumating na ang mga pagkaing in-order namin.

Inilagay ni Bryan ang mga pagkain sa mesa at saka umalis. Ibinalik sa akin ni Ian ang cellphone ko at saka kami nag-umpisang kumain.

"Sarap!" komento ni Cexchia. Tumango-tango naman si Grae. Ngunit inilayo ni Ian ang plato sa kaniya. Nakasimangot pa siya.

"O, ano na naman?" tanong ko.

"Ayoko ng pagkain." nakasimangit niyang sagot.

"Bakit? Ang sarap kaya!" sabi pa ni Cexchia.

Oo nga naman. Si Chef Martin kaya ang nagluto nito. And Chef Martin cooks really really good. So anong problema niya?

"Ayoko ng lasa. It does not taste like Schulaika's cooking. It does not pass my taste."

Nabigla ako sa kaniyang sagot. Hindi ko akalaing pipiliin niya ang kakainin. Di ba ang sabi niya sa interview, hindi siya mapili at kinakain niya ang lahat ng pwedeng kainin?

Tinasaan siya ng kilay ni Cexchia. "Ha? Kailan ka pa pumili ng kakainin?"

"Basta! Gusto ko yung luto ni Schulaika." He turned to me with his puppy eyes. Pinagsalikop niya pa ang kaniyang mga kamay. "Please, can you cook for me?"

Napangiwi ako. Sa laki niyang tao, para siyang bata kumilos. Gahd!

"Techinically, I am not working. So I can't cook orders now," Lumungkot ang kaniyang mukha at parang natalo sa lottong bumagsak ang kaniyang mga balikat. Napangiti ako. "But, since I am your personal chef, I will cook for you."

Bigla siyang humarap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. His face glowed like a kid on a Christmas day. "Talaga? Tinatanggap mo na ang alok ko?"

Tumango ako at napangiti sa excitement sa kaniyang boses. Napa-'yes' naman siya at napasuntok pa sa hangin.

Cexchia snorted and shot me an inquisitive look. Dominic was grinning as he was taping Ian with his phone. Again. Pagti-tripan na naman nito si my labs.

Delikado talaga kapag nagsama ang dalawang ito. Nahawaan na ni Cexchia ng kasamaan niya ang kasungitan ni Dominic. Tsk tsk tsk.

I raised one brow at her and smirked.

"A way to a man's heart is through his stomach, huh?" nakangisi na niyang sabi.

I gave her a smile saying I know right. Yeah.

Tumayo na ako para pumunta sa kusina at ipagluto si Ian.

Let the mission begin.

Unedited.

Woah! Three chapters in a day! At dahil diyan, isang linggong walang update! Hahaha Joke.

Enjoy reading!

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon