CHAPTER 10

81.1K 1.5K 18
                                    

Nakapikit na sumandal ako sa sandalan ng aking swivel chair. Hinilot ko pa ang sentido dahil sa pagpitik ng ugat doon.

Dalawang araw pa lang simula ng magkaroon kami ng opening ngunit halos trenta na ang nag-aapply. Lahat qualified kaya mahirap magdesisyon kung sino ang kukunin namin.

Kailangan na rin naming magdagdag ng tao dahil tinanggap ko na ang catering service sa kasal nina Guadel at Joseph. It will be at the end of next month kaya as much as possible kailangan na talagang magdagdag.

Isang katok sa pintuan ng aking opisina ang nagpamulat sa akin. Naupo ako ng maayos at saka pinapasok ang kumakatok.

Si Carmela ang nagbukas ng pinto. Nakapaskil na sa kaniyang labi ang ngiting nagsasabi ng kaniyang pakay.

Sa nakalipas na isang linggo ay siya na ang tagasabi sa akin kung nandyan na si Ian at kung ano ang gusto nitong kainin.

Isang linggo na rin mula ng pumayag akong maging personal chef niya.

"Chef, alam na this." nakangiting sabi niya. May panunukso pa sa kaniyang boses.

Nangingiting tumayo ako at saka nagpasalamat sa kaniya. Inayos ko muna ang sarili bago lumabas ng opisina papunta ng kusina.

"Hello, everybody!" masiglang bati ko pagpasok sa kusina.

"Naks. Ayan na ang ngiting Ian!"

"Alam na kung bakit. Montero Syndrome."

"TIE. The Ian Effect."

"Personal chef duties na!"

Ngingiti-ngiti lang ako sa mga panunukso nila habang papalapit sa workstation ko. Isinuot ko ang chef's hat bago naghugas ng kamay at inihanda ang mga ingredients na nakalagay sa Ian's Req-List (Request List).

Pasipol-sipol, pakembot-kembot at pahum-hum pa ako habang nagluluto. Magaang-magaan ang pakiramdam ko; parang may pakpak ang mga paa ko.

"Naks, Chef, masaya na naman tayo, ah. Personal chef duties na." tukso ni Bea sa akin. Nginitian ko lamang siya habang naggigisa ng bawang at sibuyas. "Iba talaga ang epekto saiyo ni Mr. Montero."

"Naman." nakangiti ko pang sabi.

"Nagkakagusto na rin ba siya sayo, Chef?" patuloy na tukso nito.

"Malapit na rin siguro. Sa dami ba naman ng gayumang inihahalo ko sa pagkain niya, hindi pa ba?" pagbibiro ko pa.

Ipinagpatuloy ko na ang pagluluto. Ang gustong kainin ni Ian ngayon ay simple lang naman: Paella, calamares, at seafood platter.

O di ba? Gusto niyang kumain ng isang buong karagatan ngayon. Dapat pala sa floating cottage ko siya hainan ng makakain o kaya sa ibabaw ng pool siya kumain.

Nang matapos kong maluto ang lahat, inilagay ko na ang mga ito sa tray. Ako rin kasi ang naghahatid ng pagkain sa kaniya.

Bakit? Ginagayuma ko nga, di ba? Dapat lang na ako ang una niyang makita kapag sumubo na siya para effective.

"Chef Schulaika."

Napalingon ako sa aking likuran ng may tumawag sa akin mula roon. Ang seryosong mukha ni Chef Martin ang sumalubong sa akin.

"Chef Martin. Bakit, may problema ba?" nagtatakang tanong ko. Hindi naman kasi siya nagpupunta rito sa workstation ko kung hindi naman kailangan.

He eyed the tray of foods on the tabletop. "Para na naman sa kaniya?"

Nangingiting tumago ako. Kapag talaga si Ian ang pinag-uusapan automatic na agad ang ngiti ko. Shomai na pating!

Tiningnan niya ako at kumunot ang kaniyang noo. Unti-unting nawala ang ngiti ko ng mapansin ang pagdilim ng kaniyang mukha na para bang may hindi kanais-nais na bagay siyang narinig o nakita.

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon