Kayo, ha? Inaaway niyo si Ian. Cyber bullying yan! Hahaha
Unedited.
Nakaupo ako sa sala habang nakatitig sa screen ng tv namin na hindi naman nakabukas. Napabuntong hininga ako kasabay ng pagtulong muli nang isa na namang butil ng luha. Marahas ko itong pinalis.
"Ano ba! Hindi ba kayo napapagod kasi ako ayoko na!" naiinis na kausap ko sa sarili.
Kahapon pa kasi produce ng produce ng luha ang tear ducts ko. Nakakainis na. So, ano? May forever? Forever na lang akong luluha?
Alam kong mugtong-mugto na ang mga mata ko, alam kong mukha na akong Korean-ang hilaw. Ang pangit na ng mga mata ko. Malat na rin ang boses ko. Kaya nga hindi ako nagpakita kaninang umaga kina Mommy at Daddy dahil ayokong pag-usapan muna ang pinagdadaanan ko.
Ayoko ring totohanin ni Daddy ang mga banta niya kay Ian. I know my father, he's always serious when it comes to me. And I don't want Ian to get hurt eventhough he hurt me. I love him. And I don't want the person I love to get hurt.
Tanga na kung tanga. Mahal ko siya, eh. But sad to say, my love's unrequited. Ako lang naman kasi ang nagmamahal kaya ako lang din ang nasasaktan. Ako naman kasi ang nahulog kahit na ba alam kong meron na siyang iba.
Nashien Perez? Siya lang naman ang babaeng hinding-hindi ko mapapalitan sa puso ng lalaking mahal ko kahit na pilitin ko pa. Alam kong ako lang din ang masasaktan.
Napahagulhol ako ng iyak sa mga naiisip ko. Nakakainis! Ganito ba talaga ang mga broken hearted? Nagiging negative na mag-isip?
"Nakakainis ka, Ian! Kung hindi ka naman kasi lumapit-lapit sa akin hindi naman ako mahuhulog saiyo! Ngayon tuloy ako tong mukhang tangang nasasaktan! Ako tong nahulog na hindi naman sinalo. Ako tong nahulog na lumagapak ng sobrang lakas!" umiiyak na pagkausap ko sa mukha ni Ian sa magazine.
Nakakainis talaga! Bakit kahit nasasaktan ako ng dahil sa kaniya, gusto ko pa ring makita ang mukha niya? Gusto ko pa ring makasama at makausap siya? Gustong-gusto ko pa ring malapitan siya? Gustong-gusto ko pa ring mahalin siya. Kahit masakit na.
"Ian naman kasi, eh! Bakit ka naman kasi ganoon sa akin? Ayan tuloy, hindi ko napigilan tong puso kong mahulog saiyo. Nakalimutan kong iisa lang pala ang laman ng isip at puso mo." pagkausap ko pa rin sa nakangiting mukha ni Ian sa magazine cover. "Sana masaya ka na ngayon. Kasi alam kong siya lang naman ang hinihintay mo, di ba? Okay lang ako. Magiging okay lang ako. Alam ko namang wala akong laban sa babaeng minamahal mo.
"Look, oh! Mas maganda siya, mas sexy, at mas mabait kesa sa akin. Kahit na mukhang singit siya sa supposedly ay kwento natin, inaamin ko namang mas higit siya sa akin. At hinding-hindi ko siya mapapantayan.
"Pero masakit kasi talaga, Ian, eh. Yung ipinaramdam mo sa akin na importante ako tapos ganun-ganun lang? Wala man lang warning, agad-agad darating na siya? Yung pakiramdam na nakalimutan mong kasama mo pala ako kahapon kasi siya lang yung naging laman ng isip mo? Alam mo yung sakit na naramdaman ko? Hindi lang tagos sa puso, tagos pa hanggang buto.
"Gusto ko sanang lumaban, gusto kong ipaglaban tong pagmamahal ko saiyo. Kaya lang alam kong hindi pa man nag-uumpisa, talong-talo na ako. Wala na nga palang pag-asa!" pagak akong tumawa habang patuloy ang pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata ko. "Shit kasi, Ian! First love kita, eh! Alam mo bang ikaw ang pinakaunang lalaking minahal ko ng totoo? At saiyo ko lang din naramadaman ang ganitong sakit! Ian--"
Natigil ako ng biglang may kumuha ng magazine sa kamay ko at inihagis ito sa sahig kasabay ng paghila sa akin paloob sa isang pamilyar na mga bisig. The same arms that hugged me yesterday; the same hug that gave me some sort of a comfort.
BINABASA MO ANG
TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔
Romance2nd installment of The Billionaire Bachelors Series SCHULAIKA GONZALES, restaurateur and a chef. Sikat ang kanyang restaurant dahil sa masasarap na pagkain na siya mismo ang nagluluto. Enter XRIZCIANNO MONTERO in her kitchen, literally. Isa ito...