CHAPTER 31

69.6K 1.4K 129
                                    

Namove sa Friday yung dapat na exam ko kahapon! Huhu Tapos sa Saturday meron pa! I'm still not free! Pero I'll update na dahil nahihiya na ako sainyo. Charing.

P.S. Please, wag masyadong magalit sa mga karakter, okay? I HAVE PLANS FOR THIS STORY. Na sana magawa ko ng maayos. And please be patient with my updates dahil I cannot promise the everyday updates na. Thank you.

Unedited.

Mabilis ang ginagawa kong pagtadtad sa bawang sa chopping board. Pinong-pino, durog na durog, tadtad na tadtad.

Parang puso ko.

"Chef, walang laban yang bawang sayo. Hinay-hinay. Marami tayong stock dyan, o."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Bea sa aking tabi. Ipinagpatuloy ko lamang ang pagtadtad sa bawang na para bang mababawasan nun ang bigat na aking nararamdaman.

"Chef... Yuhoo! Tao po?"

Muli, hindi ko pinansin si Bea. Tuloy-tuloy pa rin ako sa pagtadtad sa bawang. Ang bawang na nadamay lang sa kasawian ko ngayon, ang bawang na wala namang kasalanan, ang bawang na kawawa. Ang Bawang. Bow.

Iniisip ko kasi na si Ian ito. Oo, si Ian nga. Naiinis na rin ako sa kaniya. Paasa siya! Peste! Pagkatapos magpakilig ng todo-todo, biglang mang-iiwan sa dulo? Punyetang buhay to, oo! Hayop na Ian yun!

Naiinis talaga ako! Pagkatapos niya akong saktan ng ganito, pagkatapos niyang maging sweet, pagkatapos niyang magpafall... mahal ko pa rin siya. Naiinis talaga ako! Bakit ang tanga ng puso ko? Minahal pa yung wala namang balak sumalo sa akin.

Ang sakit lang mga bes! Alam niyo yun? Yung kahit naiinis ka na sa kaniya, kahit gusto mo na siyang murahin at saktan, kahit gustong-gusto mo na siyang ipasagasa sa eroplano ay mahal na mahal mo pa rin siya!

Ang tanga lang madalas ni Kupido, no? Hayop din kasi yang nakalamping batang yan! Eh kung isaksak ko sa kaniya lahat ng pana niya? Punyeta siya! Hindi marunong umasinta! Dapat sa kaniya nagpapasalamin sa EO Executive Optical.

Isang kamay ang pumigil sa pagmurder ko sa bawang. Saka ko lang din napansing hinihingal na pala ako; ang lalim ng bawat hininga ko.

"Walang laban sayo yan, Chef." Nilingon ko ang pumigil sa akin. Ang seryosong mukha ni Chef Martin ang sumalubong sa akin.

"Chef..." I acknowledged. "Bakit ka nandito sa station ko?"

"Dahil nakikita kong pinapatay mo na ang bawang." ang sagot niya.

Nagtatakang bumaba ang tingin ko sa tadtaran. Napanganga pa ako ng makitang hindi na makilala ang bawang na tinadtad ko. Pwede na siyang pumasa na bread crumbs.

"Shit." bulong ko at saka binitawan ang kutsilyo. Itinukod ko ang mga kamay sa dulo ng counter at yumuko bago bumuntong hininga. Mariing ipinikit ko ang aking mga mata at pilit pinapakalma ang sarili.

Pesteng problema sa puso to! Apektado hindi lang ako pati na rin ang trabaho ko.

Hay, Ian. Hindi ka lang panggulo sa puso at buhay ko pati na rin sa pesteng bawang na to!

Naramdaman ko ang kamay na pumatong sa balikat ko. Napalingon ako sa likuran. Seryosong-seryoso ang mukha ni Chef Martin.

"I think you need a break. Come on."

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon