CHAPTER 36

71.7K 1.3K 39
                                    

Unedited.

Nasa loob ako ng opisina ko kasama si Cexchia. Nakaharap na naman siya sa laptop niya habang nagta-type ng kung ano-ano.

Dumating si Cexchia eksaktong pagkalabas ko ng kusina pagkatapos kong palabasin ang dalawang lalaki.

And speaking of, kamusta na kaya ang dalawang yun? Ano na kaya ang nangyayari?

"Cexchia..." tawag ko sa pansin niya.

"Yes?" sagot niya ng hindi tumitingin sa akin.

"Bakit ba dito ka pumupunta kapag nagtatrabaho? Bakit hindi ka na lang doon sa opisina ni Dominic?" tanong ko.

She looked up to me and smiled when she heard her fiancé's name. "Well, ayokong madistract siya. Kasi kapag nandoon ako, wala siyang nagagawang matino. It's either nakatitig lang siya sa akin o nilalandi niya ako. So para maiwasang bumagsak ang kumpanya niya, ako na lang ang madalas umiiwas. Alam mo naman, iba kasi ang kamandag ko. Kaya after work na lang ako nagpapakita sa kaniya."

I rolled my eyes at her. Itong babaeng talagang ito, oo! Ang daming hangin sa katawan.

"Eh ano naman kasi yang pinagkakaabalahan mo?" tanong ko na lang.

"Work. I am working on Gregory's article. Siya na next month, eh."

Napataas naman ang kilay ko. "Ow? Siya na pala ang kasunod?"

She nodded and returned her attention back to her laptop. "Yeah. Nakakatuwa nga, eh. Matataas lagi ang sales ng magazine namin. Kung magtuloy-tuloy lang ito hanggang sa huli, for sure, we will be the best! And I am so excited dahil dalawang issues na lang ang natitira. Greg's and Vernon's. And then, Magz Awards will be happening na!"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Di ba, dalawa pa lang naman ang inilalabas na issue? Dominic's and Ian's, right? Eh bakit dalawa na lang daw ang natitira? Hindi na ba kasali si Zach?

"Wait. Dalawa na lang ang natitira?" She nodded. "Eh paano si Zaccheus? Hindi na kasali?"

She looked at me unbelievably. Parang tinubuan ako ng dalawang ulo. "Seriously? Zach's issue was released last week. Last week, Schu."

Napatingin ako sa table calendar sa ibabae ng office desk ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng makitang bagong buwan na pala. Hindi ko napansin!

"Hala! Ganon ko kabilis minahal si Ian?" nasambit ko sa sarili.

"Oh? Mahal mo na si Xrizcianno? Bakit hindi mo sinabi sa akin?!"

Napalingon akong muli kay Cexchia. Malalaki ang mga matang nakatitig siya sa akin at nakanganga pa ng kaunti. Halatang nabigla siya sa narinig.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at saka ngumiti ng alanganin sa kaniya. I even gave her a peace sign.

"Ang daya mo, Gonzales! Nakakainis ka!" parang batang pagtatampo nito.

"Pasensya naman daw. Sorry na, bes. Eh, nakalimutan ko lang namang i-share. At saka hindi kasi maganda ang dahilan kung paano ko narealize yun."

"Ikwento mo, dali! Pambawi!"

Kaya ayun, ikinwento ko sa kaniya lahat ng nangyari. And "lahat" means everything from Guadel's reception until what had just happened a while ago.

Mataman lang na nakikinig si Cexchi sa akin habang nagku-kwento ako. After I told her everything, she just looked at me. And I was looking back at her expectantly.

"Ano, wala kang sasabihin?" tanong ko kapagkuwan.

"Well, I can't blame you. May feelings ka na sa kaniya even before you met him and it just grew after you knew him. Kaya ka na in love sa kaniya dahil isa siyang pa-fall! Pa-fall siya!" naiinis na sabi ni Cexchia. "Ang mga ganiyang lalaki, ipinapakain sa mga hantik! Tapos ano, bigla-bigla siyang magyaya ng date saiyo?"

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon