CHAPTER 19

66.8K 1.4K 55
                                    

Natatawa ako sa reaksyon niyo last chapter. Okay lang yan mga bes. Hahaha

Unedited.

Ilang araw na ang lumipas. At sa ilang araw na iyon ay marami na ang nangyari.

Nakapaghire na ako ng mga bagong chef at isinabay ko na rin ang manager na tutulong sa akin. At sa nakalipas na mga araw... miss na miss na miss ko na siya.

Ilang araw na rin siyang hindi nagpapakita o nagpaparamdam matapos ang usapan namin nung nakaraan. Ilang araw na rin akong wala sa sarili dahil nagi-guilty pa rin ako sa nagawa ko. I know it was my fault. I stepped on a borderline. I wanted to talk to him and say sorry but I don't know how and where to start. At natatakot din ako sa magiging reaksyon niya.

I wanted to call him or text him pero nauunahan ako palagi ng hiya... at takot na baka hindi rin lang naman niya ako pansinin. And I think... I think he needs time. And hopefully kapag kinausap ko na siya, mapatawad na niya ako.

Napabuntong hininga akong muli. Hindi ko na alam kung pang-ilan na ito ngayon araw.

"May plano ka ring sumali sa Guiness Book of World Records? Ang babaeng pinakamaraming buntong hininga sa isang minuto."

Ibinaling ko ang tingin kay Cexchia. Nakahalumbaba siyang nakatingin sa akin; nasa harapan niya ang kaniyang laptop.

"Nasabi ko na yan sayo, di ba? Remember chapter thirty-four of your story?" nakataas ang kilay na paalala ko sa kaniya.

"Edi wow, bes." Muli siyang nakipagtitigan sa kaniyang laptop at nagsimulang tumipa. "Anong problema mo?"

"Marami. Gusto mong makihati?"

"No, thanks. Hindi pwedeng mai-stress ang mga diyosa. Nakakapangit."

"Kelan ka gumanda?"

Nakangising tiningnan niya akong muli. "Yung araw na naimbento ang salitang 'maganda'. Ako kasi ang nakita nila tapos napasabi sila ng 'Ay ang ganda niya!' And that was the history of the word. Thank you very much."

I scoffed at what she said. "Writer ka nga. Ang galing mong maghabi ng kwento."

"Wag ng kumontra, bes. Nakakapangit daw yan." Muli siyang tumingin sa kaniyang laptop. "Anyways, ireremind lang kita about sa wedding ni Guadel at Joseph. It will be this coming weekend."

"I know. Nakahanda na rin kami. I already have hired additional people."

"Mabuti yon at ng hindi kayo stressed. Mabuti na ring kumuha ka ng manager para makapagpahinga ka naman."

I hummed my approval. Muli kaming natahimik; siya busy sa ginagawa sa kaniyang laptop habang ako ay balik na naman sa pag-iisip.

"Uy, napansin ko nga pala, bakit parang wala ata si Ian ngayon? It's already lunch time and he should be here by now, right?" nagtatakang tanong ni Cexchia.

I blew out a breath from her question. Tumingin ako sa kaniyang nagtatanong na mata at napanguso. "May kasalanan kasi ako sa kaniya."

"Oh?" Itinabi niya ang kaniyang laptop at inalis ang radiation glasses saka sumandal sa mesa palapit sa akin. "Anong ginawa mo?"

"I asked him about Nashien." sagot ko.

"Nashien..." nagtatakang tanong niya sa kawalan. "Oh. Nashien. Yeah, I remembered." sabi niya ng maalala. "Tapos anong nangyari?"

Ikinwento ko sa kaniya ang nangyari ng araw na iyon. And as I tell her what happened that day, the guilt that I was feeling grew and grew bigger. Kinakain na ako ng konsiyensya ko.

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon