CHAPTER 21

68.7K 1.4K 108
                                    

Unedited.

Ilang minuto rin kaming walang imikan habang nakatitig lang sa isa't isa.

I was feeling nervous and happy at the same time. Happy because I finally saw him after these past few days and nervous because he was looking at me seriously.

Nagbaba ako ng tingin ng hindi ko matagalan ang titig niya sa akin. I am feeling guilty. And I should say sorry. Yun naman ang dahilan kung bakit gusto ko siyang makausap, di ba?

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. Inignora ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko.

"I'm sorry." mahinang sabi ko; hindi ko alam kung narinig niya.

Ilang sandali ang lumipas ngunit wala pa rin akong narinig na kung anoman mula sa kaniya. Nag-angat ako ng tingin para ulitin ang sinabi ko dahil baka hindi niya narinig.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ng walang emosyon niya akong tiningnan. Naramdaman ko ang unti-unting pag-iinit ng gilid ng aking mga mata at ang panginginig ng aking mga labi sa pagpipigil na tumulo ang luha ko.

"I-I'm sorry, Ian." panimula ko hoping na makitaan ko na ng emosyon ang kaniyang mga mata ngunit nabigo ako. Doon na tuluyang tumulo ang pinipigilan kong luha. "I'm sorry... H-hindi ko naman..."

Napayuko ako dahil hindi ko matagalan ang tingin niya; naiiyak ako lalo. Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi ko. Napasinghot pa ako. "I didn't mean to offend you. I know I went overboard and I should have stopped asking the moment you tried to stop me...

"I know it was rude of me to ask you personal questions eh personal chef mo lang naman ako. Tama ka, wala akong karapatang manghimasok sa personal mong buhay dahil hindi naman tayo magkaano-ano.  Curiosity really kills because my guilt is killing me."

Muli akong napasinghot bago nag-angat ng tingin dahil tumutulo ang sipon ko sa pagkakayuko. I looked at him dead in the eyes. "I am really sorry, Ian. I was wrong and I shouldn't have asked you. It was not my intention to hurt you or make you remember the things you try to forget." Malungkot na nginitian ko siya. "Don't worry, now I know where I stand. I'll just be your personal chef nothing more and nothing less."

I gave him one last sad smile before turning my back on him. I was even hoping he'll stop me and speak but he never did.

Mas lalong bumuhos ang masaganang luha sa aking mga mata ng makasakay na ako sa sasakyan ko ngunit hindi pa rin siya nagsalita.

Mapait na napangiti ako at napatingala sa bubong ng sasakyan ko. Marahas na pinunasan ko ang mga luhang hindi maampat ang pagtulo.

Asan ka na Bebe ngayong kailangan kita? Patawanin mo ako! Pagmamakaawa ko kay Bebe dahil tahimik siya ngayong kailangan ko siya.

Bigla akong napalingon sa passenger's seat ng bumukas ang pintuan doon at sumakay ang isang tao. Hinawakan ko ang baseball bat sa tabi ng aking upuan at handa na sanang hampasin ang pangahas ng makilala ko kung sino ito.

Nagfreeze bigla ang mga luha ko at nanigas ang katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin at isipin.

"Chef Martin..."

"You've been crying." seryoso niyang sabi habang nakatitig sa akin.

Pasimple akong nagpunas ng luha at nagpunas ng sipon. "Bakit ka pa nandito, Chef? Kinidnap ka na nila, di ba?"

But instead of answering my question, he leaned forward and dried the tears that stained my cheek. And like what I do every time he touches me, I leaned away from him.

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon