CHAPTER 42

68K 1.2K 82
                                    

Bakit walang update kagabi? SISIHIN NIYO ANG INTERNET CONNECTION KO! Di ako makaconnect kagabi so hindi ko natapos yung draft ko. Sumakit din ang ulo ko kaya natulog na lang ako ng maaga.

NEXT UPDATE? Ewan. Baka next week na :) Paexpire na load ko sa wifi.

Unedited.

Nakatitig ako sa one dozen red roses na nasa vase sa harapan ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang binigyan ako ni Ian ng bulaklak kahapon at dito pa mismo sa bahay namin pumunta!

Nakaramdam muli ako ng kilig ng maalala ang kahapon. Naks! Ang kahapon talaga, eh. Nasapo ko ang mga pisngi ko ng maramdaman ko ang pag-iinit nito. Tinapik-tapik ko pa ito ng paulit-ulit.

"Oh, anak. Baka mawala yang bulaklak katititig mo." narinig kong sabi ni Mommy sa likuran ko.

Nilingon ko si Mommy na nakangisi sa akin. Napanguso ako sa panunuksong nakikita ko sa mga mata ni Mommy.

"Mommy naman, eh." nakalabi kong sabi.

"Hay naku, anak. Hindi naman mawawala yan diyan kaya wag mong titigan. Unless, itapon yan ng Daddy mong may sapak ata sa ulo." sabay tawa pa nito.

Oo nga. Hindi ko alam kung bakit ganon yung pakikitungo ni Daddy kay Ian kahapon. Pakiramdam ko nga si Daddy ang may gawa ng injuries ni Ian, eh. But knowing my father, he can't do that.

"Are you ready, my pretty ladies?"

Sabay kaming napalingon ni Mommy sa likuran. Nakangiting naglalakad palapit sa amin si Daddy. Ngunit agad ding nawala ang ngiting iyon nang mapatingin siya sa isang dosenang red roses na nakalagay sa vase sa sala.

"Ready, hon!" sagot ni Mommy.

"Bakit nasa sala ng pamamahay ko yang pangit na bulaklak na yan?" seryosong tanong ni Daddy habang nakatingin ng masama sa mga bulaklak.

"Daddy! Hindi naman po pangit yan, ah!" kontra ko agad sabay protekta sa mga bulaklak.

"Please, anak, pakialis na niyan sa loob ng bahay. Nagdadala yan ng bad vibes, eh."

"No, Daddy! Magaganda naman po, ah! No. I love these flowers and the person who gave me this!" pagmamatigas ko.

Pinanlakihan ako ng mga mata ni Daddy habang si Mommy naman ay parang teenager na namilipit sa kilig.

"Anong mahal mo ang nagbigay niyan? No, Schulaika. You can't love that asshole." mariing sabi ni Daddy.

"You can't just tell me not to do that, Dad. Expecially now that I already do." seryoso ko ring sabi.

Natahimik kami matapos kong sabihin yon. Nagtitigan lang kami ni Daddy. No, I wouldn't back down now. Alam kong masama ang sumagot sa mga magulang. Pero kasi... hay naku, naman!

I sighed and walk closer to my father and hugged him. I felt him sighed as he hugged me back. Napangiti na lamang ako. Si Daddy ko talaga.

"I love you, Daddy." malambing na sabi ko.

"I love you, too, anak." sabi naman niya.

"O, tama na nga yan! Male-late na tayo sa misa. Ayoko pa namang nale-late." singit na ni Mommy.

Bumitiw na ako sa pagkakayakap kay Daddy at saka kami nakangiting tatlo na lumabas sa bahay. Magsisimba kasi kami ngayon. Every Sunday talaga ay sama-sama kaming nagsisimba dahil naniniwala kaming the family that prays together, stays together.

Paglabas naming tatlo ng pintuan at natigilan kami. Sa labas ng gate ng bahay namin ay magkaharap na nakatayo si Martin at Ian. Tila nagsusukatan sila ng tingin at tila naghahamunan sila.

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon