CHAPTER 45

69.7K 1.3K 41
                                    

Last for the week. Baka next week na ang sunod. Yun lang :)

Unedited.

Day-off ko ngayon. Supposedly, dapat kong gawin ang mga bagay na inilisata kong gagawin ko ngayong araw: maglaba ng mga bed sheets at mga damit, maglinis ng kwarto, mag-ayos ng garden,at mag-imbento ng bagong recipe.

Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagising ako kanina na sobrang tinatamad. As in, yung feeling na kahit pagtayo mula sa kama tinatamad pa akong gawin. Parang ang bigat pa ng loob ko na tumayo kanina at maligo.

Kaya heto ako ngayon, nag-iisa... naglalakabya sa gitna ng dilim! Chos lang. Nasa sala lang ako ngayon, seating like a boss habang nakatitig sa nakasaradong tv namin. Iniisip ko isa-isa ang mga kailangan kong gawin para ma-motivate akong gumalaw pero langay, mas lalo ata akong tinamad!

Napabuntong hininga na lamang ako at nakapikit na sumandal sa sofa. Ano ba ang nangyayari sa akin ngayon? Para naman akong buntis na ewan! Virgin pa kaya ako. Ano to, Jane the Virgin lang ang peg?

"O, 'nak. Kumain ka na ba?" narinig kong tanong ni Nana Inez kaya nagmulat ako ng mga mata at tumingin sa kaniya.

I smiled at her weakly. "Hindi pa nga po, Nana. Ewan ko na po kung bakit tinatamad ako ngayon ng sobra. Kahit pagkain na lang, tinatamad pa ako. Mabuti na lang nga po at hindi pa ako tinatamad na huminga!" himutok ko.

"Ay nakung bata, 'to. Eh di ba marami kang gagawin? Last week mo pa inilista ang mga gagawin dahil excited kang isakatuparan ang mga iyon? Hala, gumalaw-galaw ka diyan at ng sipagin ka." ang ni Nana.

Umiling lang ako at saka siniksik pa ang sarili sa upuan. "Ayoko, Nana. Tinatamad talaga ako."

"Batang ito. O siya, ako na lang ang maglalaba ng mga labahin mo."

"No, Nana. Alam niyo naman pong ayokong naglalaba kayo ng mga bed sheets at damit ko. Ang bibigat kaya ng mga kobre kama ko. Ano pa po kaya kapag basa na, di ba? Baka mabali ang marupok niyong buto." biro ko pa.

"Batang 'to. Tatay mo lang ang tumatanda," nakangiting sabi niya. "O siya, kumain ka na sa komedor at may gagawin pa ako."

Nang umalis si Nana ay tamad na tamad pa rin akong tumayo para pumunta ng kusina. Hindi naman ako pwedeng tamarin kumain dahil magtatampo sila sa akin.

Kinuha ko lang ang sliced bread at nutella sa ref pati na rin ang flavored juice. Naupo ako at inilapag ito sa aking harapan sa mesa. Tinitigan ko lamang ito at akala mo'y si Juan Tamad na naghihintay lang na kusang palamanan nito ang sarili at isubo sa akin.

"Argh! Kainis na katamaran, 'to!" naiinis na sigaw ko habang inuuntog ang ulo sa mesa ng mahina.

"Good morning, sweetie!" bati ng isang masiglang boses ng lalaki.

Nag-angat ako ng tingin mula sa pag-untog ng sariling ulo sa mesa. Bahagya akong nagulat ng makita si Ian sa harapan ko na sobrang lapad ng ngiti at gwapong-gwapo sa suot na casual attire. And I bet he smells so good, too!

Ayan, tinatamad ka pero utak mo ang sipag maglandi!

"Hello," tinatamad na bati ko pabalik. "Anong ginagawa mo rito?"

Nagsalubong ang mga kilay niya ng makita ang ayos ko. Halatang-halata siguro na wala akong buhay ngayon. Lumapit siya sa akin at masuyong hinawakan ang mukha ko. Naamoy ko tuloy ang napakabangong amoy niya. Hmm... sarap papakin!

"Are you okay, sweetie?" nag-aalalang tanong niya.

Pinigilan kong mapangiti sa kilig. Shemay! Tinatamad man ang buong katawan ko, pero ang puso ko, ang sipag tumibok para sa taong kaharap ko ngayon. Haay... kapag mahal mo nga naman.

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon