CHAPTER 18

68.7K 1.6K 113
                                    

Waaah! Shet! That's why I didn't gave up on them even after the eight years draught. I love how they improved. And I will forever be a fan. Solido Ginebra! :) :) Can't wait for tomorrow's game!

Tuwang-tuwa ako kaya tsaraaan!

At saka #6 na sa Romance ang kabaliwan ni Cexchia! Hahaha Kinikilig ako! And Schulaika's story is #89 :) Thank you sa suporta at sa patuloy na pagbabasa. Lovelots!

Please be warned. As early as now, I am warning you of some words which may be offensive or uncomfortable for some.

Unedited.

Hindi ako mapakali sa loob ng kusina. Palingon-lingon ako sa orasan at kada-ikot nito ay palakas ng palakas ang pagtahip ng dibdib ko.

Pinalobo ko ang aking mga pisngi sabay buntong hininga. I feel very anxious. I feel restless. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

"Are you okay, Chef?"

Napalingon ako sa nagsalita sa aking tabi. Ang nagtatakang mukha ni Chef Martin ang nalingunan ko.

I nodded and sighed. Pilit akong ngumiti sa kaniya. "I am."

He reached forward. Nagtatakang sinundan ko ang kamay niyang umangat papunta sa aking mukha. The back of his knuckles brushed on my cheeks lightly making me feel awkward.

"A-anong..." nauutal kong tanong ng ang hinlalaki na niya ang humahaplos sa pisngi ko. Umatras ako ng ilang hakbang dahil sa pagkailang na nararamdaman ko. "Chef..."

"Is it that Ian guy?" madilim ang mukhang tanong niya sa akin.

It was my turn to frown. "Bakit nasali si Ian dito? May problema ka ba sa kaniya?"

But even before he can answer, Carmela entered the kitchen smiling widely. She was waving a piece of paper in the air as she skidded towards me.

Muling bumalik ang kabang nararamdaman ko kanina sa ibig sabihin ng pagdating ni Carmela. Mabilis ang paghingang sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalapit siya sa akin. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang papel sa kaniya.

Hindi rumerehistro sa isip ko ang nakasulat. Kung hindi pa ako siniko ni Bea ay hindi pa ako matatauhan. Saka ko lang din naintindihan ang order niya.

"Bullshit!"

Nagpanting ang tenga ko pagkarinig ng sinabi ni Chef Martin. Naniningkit ang mga matang umangat ang tingin ko mula sa papel na hawak papunta sa kaniya.

"Bawas ng tatlong libo sa sweldo mo yan. You know my policy." seryosong sabi ko.

Kahit kasi sa mga empleyado ko ay effective din ang policy. Bawas ng tatlong libo sa sweldo ng nga chefs at one thousand naman sa iba.

Nagpapakabait kasi ako ngayon. Tapos naisip kong idamay na lang ang ibang tao para naman may magawa akong mabuti kahit isang beses sa buhay ko. Para may chance na sa langit pa rin ako mapupunta.

Madilim ang mukhang tiningnan niya lamang ako; mahigpit pang nakakuyom ang mga kamay niya sa tabi. Mataman siyang nakatingin sa akin.

"Ano ba talaga siya sayo, Chef?"

"Ha?" naguguluhang tanong ko. "Hindi kita maintindihan, Chef Martin. Ano bang problema?"

He sighed and closed his eyes as if trying to control his anger. He opened his eyes again and focused it to mine. Ilang segundo rin siyang nakatitig sa akin na para bang nag-iisip kung sasabihin o hindi ang gusto niya ngunit tumalikod ito ng tahimik. Mabigat ang mga paang bumalik ito sa workstation nito.

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon