CHAPTER 50

77.5K 1.5K 137
                                    

Sa Wattpad na lang may mga lalaking ganito. Hahahaha

Unedited

Xrizcianno's Point of View

Isang nalalim na buntong hininga ang pinawalan ko habang nakatingin sa nasa harapan ko. I was looking at the people who were entering and leaving the premise.

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang iniisip ang maaaring mangyari sa loob. I tried to step forward but my feet seems to be glued on floor.

"C'mon, man!" pagkausap ko sa sarili. "Go inside and do it. Just do it!"

Inutusan ko ang sarili kong humakbang. Ngunit ang bigat ng pakiramdam ng aking mga paa. Nagpapawis na rin ako ng malamig at pakiramdam ko ay bumalik ang sakit sa aking balikat. I exhaled a breath as I fastened my pace.

Huminto ako nang makapasok sa loob ng ospital. I took a deep breath again before continuing to walk. Nginitian ko ang nasa desk area ng lumapit ako.

"Good morning, I am here for Dr. Nicolas Roberto Gonzales. Pwedeng malaman ang opisina niya?" nakangiti kong tanong.

Hindi sumagot ang nurse sa station at nakatulala lang sa akin. Naconcious tuloy ako kaya tumikhim ako upang pukawin ang kaniyang atensyon. "Miss?"

Napakurap-kurap naman siya at impit na tumili matapos. Parang kinikilig na namilipit siya sa akin harapan. Nawi-werduhang tiningnan ko lang siya. Anyare kay ate?

"Sir, ang gwapo niyo pala sa personal!" kinikilig na sabi nito. "Walang sinabi ang picture niyo sa magazine!"

Nahihiyang ngumiti ako sa kaniya. "Ahm, thank you. Pwede ko na bang malaman kung nasaan ang opisina or clinic ni Dr. Gonzales?"

"Ay, sorry, Sir! Nakakadistract kasi ang kagwapuhan mo." humagikhik pa ito. "Nasa third floor po ang clinic ni Dr. Gonzales. Room 301 kaya madali mo lang naman pong mahahanap."

"Salamat." nakangiting pasasalamat ko.

"Walang anuman, Sir. Papicture po ako mamaya bago kayo umalis, pwede po ba? At saka papirma na rin po nung magazine." hirit niya pa kaya tumango na lang ako. Wala namang masama sa request niya. "Sayang. Gusto ko rin sana pong makapapirma at makapagpapicture kay Dominic at Zach."

"Ahm," tumikhim ako. "I'll go ahead na. Excuse me." Ang daldal, grabe!

"Ay naku, sorry po. Okay, Sir."

Nginitian ko siya muli bago naglakad papunta sa elevator. Napabuntong hininga na lamang ako. Ang daldal nung nurse, eh. Tsk. Iba na talaga ang gwapo. But sorry girls, ang kagwapuhan ko ay para lamang sa kagandahan ni Schulaika my sweetie.

Napangiti ako ng maalala ang sweetie ko. Shit! Kinikilig pa ata ako. Taeng yan. Bigla ring pumasok sa isipan ko ang nangyari sa kusina ko nung isang araw lang. Naramdaman ko na naman ang muling pagkabuhay ng bawat himaymay ng aking pagkatao sa pagkakaalala sa mainit na tagpong iyon. Kung hindi lang ako nakapagpigil...

But I really want to take her when it is the right time. Kapag may basbas na mula sa Diyos at kapag okay na kami ng tatay niya.

Speaking of tatay, naalala ko na naman kung bakit ako nandito. Bumalik na naman tuloy ang kaba ko. Bago lumabas sa elevator ay huminga muna ako ng malalim. Hinanap ko kaagad ang 301 at hindi naman mahirap hanapin dahil yun ang pinakaunang pinto sa hallway.

Dr. Nicolas Roberto Gonzales
Neurologist/Neurosurgeon

Kumatok ako sa smoke glass ng opisina bago ito binuksan. Bumungad sa akin ang maliit na receiving are at dalawang pintuan pa. Ang isa sa mga iyon ay hula kong sa opisina ni Papa (pagbigyan nyo na ako. Paminsan-minsan lang ito. Mga Gin Kings fan lang makakaalam niyan).

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon