Eto na ang request mo mula kay Dr. Ymar Stroam (Pahiram po ulit sa isang character mo Ms. CeCeLib). Hahahaha
Dahil walang update bukas because I will be studying for my exams on Friday kaya hinabol ko talaga to ngayon. Yun lang. Wag mangulit ha? Nagsabi na ako umpisa pa lamang.
This is back with Schulaika's P.O.V. Okay?
Unedited
Mabilis ang kilos ko habang nagluluto. Nagtadtad ako ng bawang, sibuyas, kamatis at luya para igisa sa mantika sa non-stick pan.
Seryoso akong nagluluto. I was so focused on what I am doing that I don't care what happens around me. I was too engrossed that I blocked everything around me.
Bakit? Dahil ayokong magkaroon ng oras para mag-isip. Ayokong magkaroon ng oras para muling maalala ang lahat ng sakit. Ayokong magkaroon ng oras para maiyak.
Dahil tama si Martin. I should not dwell on the pain love is causing me to feel. I should not be hard on myself. Hindi ko kailangang saktan ang sarili ko para lamang masanay sa sakit, hindi ko kailangang pasakitan ang sarili ko para lamang mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
What I need is a distraction, a diversion. I need to focus on things that will divert me from thinking too deep, from thinking too much. I should not dwell and wallow with the pain I am feeling. I should continue moving forward dahil hindi naman hihinto ang panahon at ang oras para lamang hintayin akong makamove on.
Ako mismo dapat ang magkusang gumawa ng hakbang para makalimot o para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
Nasabi ko bang ayoko nang mag-isip ng kung ano-ano? Bakit parang ang dami ko na namang iniisip. Hay naku!
"Chef Schulaikaaaaa!" pakantang sabi ng isang tinig sa aking tabi.
Napalingon ako rito at nakita ko ang ngiting-ngiting si Carmela habang iwinawagayway ang isang piraso ng papel.
Hindi ko napigilan ang pagtibok ng puso ko sa nakita. Alam na alam ko kung ano at para saan ang papel na iyon. Napatulala ako sa papel na hawak ni Carmela. Parang kinakapos ang aking hininga at rumagasang muli ang mga ala-alang pilit kong kinakalimutan.
I saw his smile, his dimples, his face... him. All the sweetness he did, all the feelings he made me feel, all the emotions I felt... it all came rushing back to me. Naalala kong muli ang lahat. Lahat-lahat. Pati ang sakit na ipinaramdam ng pagmamahal ko sa kaniya, ang katotohanang pilit kong kinakalimutan, at ang
Napapikit ako ng mariin ng maramdaman muli ang kirot sa puso ko sa pagkakaalala ng lahat-lahat. Peste! Bakit ba? Ang tagal namang mawala ng sakit! Sana naman madaling makalimutan ang feelings no? Peste! Sana naman pagkagising mo kinaumagahan, mawala na yung sakit no?
"Chef, ayos ka lang?"
Napamulat ako at napatingin kay Carmela. Nasa harapan ko na pala siya at nagtatakang nakatingin sa akin. I mentally sighed and smiled a little at her. "Yeah. Ahm, ano nga ulit yon?"
Muling bumalik ang nanunuksong ngiti niya sabay wagayway sa harapan ng mukha ko ng papel na hawak niya. "Dyaraaan! Makalipas ang ilang araw, muling bumalik ang iyong iniirog, Chef!"
Pesteng Carmela, to! Sesantehin ko kaya to?!
Kahit na gustong-gusto ko nang sabunutan ang kilay ni Carmela ay pinilit ko pa ring ngumiti.
Irog ko? Pakshit! Asan siya?! Ayun, may iniirog ding iba! Magsama pa sila! Kakalimutan ko na siya!
Kinuha ko na lamang ang papel mula kay Carmela at saka siya nginitian. Pinaalis ko na lamang siya kesa makapatay pa ako ng isang walang kalaban-kalabang tao.
BINABASA MO ANG
TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔
Romance2nd installment of The Billionaire Bachelors Series SCHULAIKA GONZALES, restaurateur and a chef. Sikat ang kanyang restaurant dahil sa masasarap na pagkain na siya mismo ang nagluluto. Enter XRIZCIANNO MONTERO in her kitchen, literally. Isa ito...