Unedited.
Nanlalalim ang mga mata ko ng umagang iyon. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi.
Eh sino ba naman ang makakatulog ng mahimbing sa gabi kung sa loob lang ng ilang oras, dalawang lalaki ang nagtapat sayo?
Hindi ko alam kung paano na sila pakitunguhang ngayong alam ko na ang nararamdaman nila
Yung isa mahal ka habang yung isa gusto ka. Yung isa mahal mo, yung isa naman kaibigan lang para sayo.
Ang haba ng buhok mo, bruha ka! Pagupitan mo na nga yang buhok na yan!
Tinapik-tapik ko pa ang mga pisngi ko habang papasok ng restaurant. I am trying to straighten my thoughts when I suddenly bumped into something.
Muntik pa akong matumba kung hindi lang ako nasalo ng nakabangga ko. Bahagyang nanlaki ang nga mata ko at bumilis ang pintig ng puso ko kasabay ng pagkailangan na naramdaman ko ng makita ang nakasalo sa akin.
Si Chef Martin.
"Are you okay, Schulaika?" may pag-aalala sa kaniyang boses.
Mabilis na umalis ako sa mga bisig niya. It really felt awkward being in a close proximity with him. It wasn't just right.
Tumango ako sabay iwas ng tingin. "Yeah. O-okay lang. Ahm, excuse me."
Nagmamadali akong naglakad palampas sa kaniya. Binati ako ng mga nadadaanan kong empleyado at binati ko rin sila pabalik.
Pagkapasok sa loob ng opisina ay agad kong isinara ang pinto at saka sumandal sa dahon nito. Hinihingal ako sa hindi malamang kadahilanan. Napahawak ako sa aking dibdib at naramdaman ang mabilis na pagtibok nito.
Shit! Sabi na, eh. Mag-iiba na ang lahat! God!
Huminga ako ng malalim at saka umupo sa swivel chair at pinakalma ang sarili. Hindi na muna siguro ako maglalagi sa kusina ngayon. Chef Martin is there and I am not comfortable to be in the same place with him yet.
Ilang minuto lang ang lumipas ay may kumatok sa pintuan.
"Tuloy." ang sabi ko.
Nabigla pa ako ng bumukas ito at ang nakangiting mukha ni Chef Martin ang iniluwa niyon. May dala siyang isang tray ng pagkain.
"Hi. Good morning." nakangiting bati niya.
Napatuwid ako ng upo at tumikhim. "G-good morning."
Naglakad siya palapit sa akin at inilapag ang isang plato ng Tapsilog at brewed coffee. Nagtatakang tiningnan ko siya.
"Here. Breakfast for you. Ako pa mismo ang naghanda niyan." nakangiting sabi nito.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa pagkain. Tiningnan ko siya ng medyo alanganin.
"Martin, hindi mo naman kailangang gawin ito."
"But I want to," sagot naman nito. "Nanliligaw ako, remember?"
Napabuga ako ng hangin. "Alam ko. Pero di ba nga ang sabi ko, hindi mo naman kailangan dahil may mahal na nga ako. At manliligaw daw din siya sa akin."
Natigilan siya sa narinig. May dumaang pangamba sa mga mata niya ngunit mabilis din itong nawala at napalitan ng determinasyon.
He smiled at me. "O? Gumalaw na rin pala siya. Mas okay nga yun, eh. At least maganda ang laban. Walang magpapatalo. Mas mapapatunayan namin kung sino ang mas deserve."
BINABASA MO ANG
TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔
Romance2nd installment of The Billionaire Bachelors Series SCHULAIKA GONZALES, restaurateur and a chef. Sikat ang kanyang restaurant dahil sa masasarap na pagkain na siya mismo ang nagluluto. Enter XRIZCIANNO MONTERO in her kitchen, literally. Isa ito...