Excited sa laro mamaya! :) Hihihi Ginebra! Ginebra! Ginebra!
Baka walang update bukas. May major exams ako. Mag-aaral ako (sana magawa ko).
Unedited.
Binabati ako ng mga nakakasalubong kong nurses at doctors habang naglalakad ako sa hallway ng ospital.
Papunta ako ngayon sa opisina ni Mommy sa ospital na pag-aari nila. Oo, sa kanila lang kasi sila lang talaga ang nagmamay-ari nito.
"Good morning, Miss Schu." bati sa akin ng sekretarya ni Mommy ng makarating ako sa opisina niya.
"Hello, Marie! Kadarating ko lang, pinapaalis mo na kaagad ako." parang nalulungkot na sabi ko.
Nanlaki ang kaniyang mga mata ng magets ang ibig kong sabihin. Napatayo pa siya bigla sa kinauupuan at natatarantang nagpaliwanag. "Naku, hindi, Miss Schu--ay Miss Schulaika pala. Ano... Y-yung Schu hindi naman 'shoo' na pinapaalis kita--"
Natawa ako ng malakas sa pagpapaliwanag niya. I threw my head back as I bark out my laughter. Pinunasan ko pa ang namumuong luha sa gilid ng mga mata ko bago tumingin muli sa kaniya. She was smiling at me awkwardly at napakamot pa sa ulo.
"Biro lang, Marie. Mabait ako, di ba? Anyways, nasa loob ba si Mommy?" tanong ko.
Tumango naman siya. "Opo. Wala pa naman po siyang pasyente hanggang three."
Pagkatapos magpasalamat ay dumiretso ako sa pintuan ng opisina ni Mommy. Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pintuan.
Naalala ko bigla ang Frozen. Masubukan nga sa susunod ang katok ni Anna tapos kakanta rin ako ng "Do you want to build a snowman?"
"Hi, Mommy!" bati ko pagpasok.
Umangat ang tingin niya mula sa binabasa. She smiled tenderly at me and I smiled back.
"Hi, baby." bati niya pabalik.
I kissed Mom on her cheek before sitting on the visitor's chair in front of her desk.
"Is Dad busy?" I asked.
"I think so. May operation ata siya ngayon, eh. Yayaman na naman yang tatay mo." nakangiting sabi ni Mommy.
"Eh ikaw, Mom? Wala ka po bang operasyon ngayon?" tanong ko ulit.
"Wala pa naman. Hindi pa naman kailangan ng mga pasyente ko na mag-undergo ng operation." she answered. "What brought you here, baby?"
Ngumuso ako at pinalungkot ang mukha. "Ayaw niyo po bang nandito ako? Namiss ko lang po kayo."
"Hay naku, ang anak ko nag-iinarte pa." Iiling-iling na sabi niya. "I missed you, too, baby. Pero alam kong hindi yan ang main reason ng pagpunta mo rito. Spill it out, okay?"
I bit my lip. Nanay ko nga talaga to. Alam na alam nang may iba akong sadya sa kaniya, eh.
I was still debating whether I will or I will not ask her about the questions that keeps on bugging me. Hindi ko alam kung kailangan ko bang itanong to o hindi.
I sighed as I turned to my mother's expectant face. "Mom..."
"Hmm?"
I sighed again and bit the inside of my cheeks before asking. "How did you know you already love Dad?"
There was a long silence after my question. Nakatingin lang sa akin si Mommy na parang hindi pa naintindihan ang tanong ko. I bit my lip again. Parang mali pa atang nagtanong ako ng ganoon.
BINABASA MO ANG
TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔
Romance2nd installment of The Billionaire Bachelors Series SCHULAIKA GONZALES, restaurateur and a chef. Sikat ang kanyang restaurant dahil sa masasarap na pagkain na siya mismo ang nagluluto. Enter XRIZCIANNO MONTERO in her kitchen, literally. Isa ito...