CHAPTER 26

64.9K 1.4K 225
                                    

Uy siya nga pala! I changed the titles of the stories under The Billionaire Bachelors Series:

TBBS1: The Writer's Billionaire Bachelor
TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor
TBBS3: The Man Hater's 
Billionaire Bachelor
TBBS4: The Heiress' 
Billionaire Bachelor
TBBS5: The Directress' 
Billionaire Bachelor

Ayan! Maikli na lang sila! Hahahaha

Unedited.

Kinabahan ako.

Hindi ko alam kung bakit yun ang naramdaman ko ng marinig ang pangalang binaggit niya. Was it because that name is familiar? Was it because the name implies something?

I continued watching him--his face and his reaction. His tensed body slowly became relaxed and a smile--an oh-so-sweet smile--slowly formed on his lips.

Bigla ang pagkirot ng munting sakit sa dibdib ko. I have never seen him smile like this. Yung para bang ang saya-saya niya dahil ang matagal na niyang hinihintay ay dumating na. He looks like a very excited man.

"Airport? Now? You're here, Nashien? Shoot! Okay, bye!" natatarantang sabi nito at saka ibinaba ang tawag.

Paandarin na sana niya ang sasakyan ngunit pagtingin niya sa traffic light ay pula pa rin ito. He groaned in annoyance.

"Fuck, traffic lights! Bilis... Bilis... Bilis..." he impatiently mumbled.

Napangiti ako ng mapait sa inaasal niya. Hindi siya mapakali sa kinauupuan at tingin ng tingin sa traffic light at sa wrist watch niya. He was tapping his fingers on the steering wheel na parang inip na inip na sa paghihintay.

Pagkaberde na pagkaberde ng traffic light ay agad niyang pinaharurot ang sasakyan. Napakapit pa ako sa hawakan sa may itaas ng pinto sa bilis ng pagpapatakbo niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko hindi sa kaba kundi sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Nagmamadali talaga siyang mapuntahan si Nashien; nagmamadali siyang makita ito.

Nilingon ko ang gawi niya ngunit lalo lamang tumindi ang sakit sa puso ko ng makita ang napakasaya niyang ngiti. Yung klase ng ngiti na para bang sandamakmak na pagkain ang makikita niya sa pupuntahan namin. Yung ngiting sabik na sabik na makita ang matagal nang hinihintay.

Makalipas nga lang ng ilang minuto ay nakarating na kami kaagad sa airport. Pagkaparada na pagkaparada niya ay agad siyang bumaba ng sasakyan nang hindi niya na ako hinintay.

Napangiti muli ako ng mapait. Kahit pag-lock man lang ng kotse hindi na niya nagawa.

Masundan nga at ng malait ang mukhang singit na babaeng yun!

Sinundan ko siya sa Arrival Area ng airport. Halatang nagmamadali siya dahil halos takbuhin na niya papasok. Sa sobrang bilis nga ng pagtakbo niya ay hindi ko na siya naabutan.

Naiisip ko tuloy bigla, ganito ba ang mangyayari mula ngayon? Tatanawin ko na lamang siya at hahabulin habang siya naman ay lumalayo sa akin?

Pagpasok sa loob ay agad kong ipinalibot ang paningin sa paligid at pilit hinahanap si Ian. Naglakad-lakad ako. Nakita ko naman siya sa isang parte ng arrival area na palingon-lingon din.

Naglakad ako palapit sa kaniya. Ngunit agad din akong nahinto ng tumakbo siyang muli palapit sa isang babaeng kalalabas lang sa terminal gate.

Hindi ko mapigilang muling mapangiti ng mapait. Siya na siguro ang sinasabing Nashien. Excited na excited ang lolo mo, eh! Di na makapaghintay.

Nakangiti ang babae kay Ian at kumaway pa ng kaunti. Pagkalapit na pagkalapit ni Ian sa babae ay agad niya itong hinila para yakapin. Napahwak ako sa dibdib ko ng sumikip ito bigla; hinilot ko pa ito ng marahan para mabawasan ang sakit. Ngunit habang patuloy ko silang tinitingnan, mas lalong kumikirot ang dibdib ko. Lalo na nang yakapin din ng babae si Ian.

TBBS2: The Restaurateur's Billionaire Bachelor (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon