CHAPTER 1

7K 113 12
                                    

CHAPTER 1


[Aya's POV]

I suddenly woke up when my alarm clock rang.


Ano ba naman 'yan. Inaantok pa 'ko e. Napakamot ako sa ulo at tinalikuran 'yung alarm clock na busy sa pagri-ring. Bahala siya diyan, wala akong time para pansinin siya. I'm still sleepy para bigyan siya ng oras.

Nagtalukbong ako ng kumot pero...

Naintriga akong tingnan ang oras.

"Shit!"

Nanlaki ang mga mata ko. 6:30 na pala. Late na ako. Nawala ang antok ko at napabalikwas ng bangon. "Ba't di mo 'ko ginising?" Duh! As if naman na sasagutin ako nito. Napapikit ako at napabuntong-hininga.

I brushed my messy hair using my hand at tumayo. Agad ko namang kinuha ang tuwalya sa upuan at pumunta ng banyo para maligo. Kahit alam kong late na ay naligo pa rin ako. Ang pangit kasi mag-aral kapag hindi ka nakaligo. Hindi ka presko at ang init pa masyado sa school.

Mabilis akong natapos kaya nagbihis na 'ko kaagad. Dark blue ang kulay ng skirt namin na hanggang legs. White naman sa upper at may neck tie na dark blue din ang kulay. Simple lang, hindi naman kasi Private ang pinapasukan kong school. It's a Public school.

Nagmadali akong bumaba habang nagsusuklay sa basa kong buhok. 7:00 na.

Pagbaba ko ay hindi ko nakita si mama kaya pumunta kaagad ako sa kusina.

Pagdating ko ay nadatnan ko siyang nagluluto. Sayang naman, ang sarap ng niluto ni mama ngayon kaso hindi naman ako makakain. Super late na kasi ako e. "Bye ma!" Hinalikan ko kaagad siya sa pisngi.

Nagulat siya sa ginawa ko. Bago pa siya maka-react ay tumakbo na ako palabas ng bahay.

Alam ko kasi na pipigilan niya ako kapag malalaman niyang hindi na naman ako kakain ng almusal. She don't want me to go to school without eating breakfast kasi nakakasama raw 'yun. She's right, but I have no time to eat. Sa school nalang ako kakain.

Nakasalubong ko si papa paglabas ko. Galing siya sa labas nag-e-ehersisyo. "Bye pa!" Paalam ko kaagad sa kanya.

Kinuha ko ang kulay sky blue kong biseklita. Sinuot ko kaagad ang helmet at sumakay.

"Teka lang..." Pinaandar ko na ang biseklita pero bago ako nakalayo kay papa ay nilingon ko pa muna siya. Nakita ko siyang napakamot ng ulo. I just waved my hand to him at binalik na ulit ang tingin sa kalsada. Baka maaksidente pa ako ng wala sa oras. Mahirap na.

Nang makarating na ako sa school ay dumiretsyo kaagad ako sa classroom namin. Wala na akong nakikitang studyante sa hallway, malamang nasa kani-kanilang classroom na ang mga ito.

"Before we study more about plate tectonics, let's discuss first one..." Rinig ko na mula rito ang boses ng teacher namin sa science. Nagsisimula na ang klase namin.

Napakagat-labi ako.

Sumilip ako at mabuti nalang dahil nakatalikod ang teacher namin sa akin. May sinusulat ito sa blackboard. Time ko na 'to para pumasok. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa upuan ko. Sa pinakahuli 'yung sit ko kaya walang nakakita sa'kin. Dalawa kasi ang pinto dito sa classroom namin, 'yung isa nasa harapan which is kung papasok ka dun ay makukuha mo kaagad ang attention ng lahat at 'yung isa naman ay nasa likod. Doon ako dumaan para walang makapansin sa'kin. Busy silang lahat sa pagte-take note ng mga sinusulat ni ma'am kaya hindi talaga nila ako napansin.

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon