Chapter 21

1.2K 24 7
                                    

Actually, guys, belong talaga ang part na ito sa Chapter 20 kaya lang dito ko nalang ilalagay sa Chapter 21. Dinelete ko kasi ‘yung Chapter 23 so kailangan ng adjustment.

Ang pagod mag-edit. Promise! Kaya naman hindi ako araw-araw nakakapag-update sa kwentong ‘to.

You’ll understand me right?

Enjoy this chapter!

___________

Chapter 21

[Aya’s POV]

Tahimik kaming dalawa ni Harry na nakasakay ng kotse niya. Hindi niya muna ako ihahatid sa bahay kasi pupunta pa kami sa school. We both left our bag there at kailangan namin ‘yun kunin.

Ang pagbuntong-hininga ko lang ang maririnig mo kapag kasama ka sa biyahe namin. Gusto kong mailang kasi kasama ko siya pero mas nangingibabaw talaga ang pag-aalala ko kay papa. Gusto kong iwaksi sa isipan ko ang pag-iisip na magtatatlong buwan na siyang tulog pero hindi ko talaga maiwasan.

“Anak, wag mong pababayaan ang pag-aaral ha?”

Sinabi mo ba ‘yun sa’kin pa, kasi iiwan mo na kami... ako? Naibaba ko ang paningin ko kaya hindi ko na nakikita ang nadadaanan namin.

Pinaglaruan ko ang mga kamay ko at naramdaman ko naman na napatingin si Harry dito. My hands were trembling of that thought... na iiwan na kami ni papa.

I can’t... I can’t imagine it.

Nang marating na namin ang school ay una akong lumabas. Himala yata talaga na hindi nagsasalita si Harry ngayon. Akala ko talaga na babahain niya ako ng tanong. Kitang-kita ko pa naman kanina na curious siya sa nangyayari sa’kin.

Hindi ko nalang siya pinagtuunan ng pansin at naglakad nalang papunta sa classroom namin.

Alam kong nasa likuran ko siya... nakasunod sa’kin.

Tss! Ang weirdo ng lalaking ‘to. Ah... baka naman natauhan siya sa sinabi niya sa’kin kanina. Baka nakakaramdam na siya ng hiya ngayon sa’kin. Hahaha!

Agad akong napasimangot at napakibit-balikat nang marating na namin ang aming classroom. “What?” I heard him ask.

Nilingon ko siya at nagbuntong-hininga. “Pa’no tayo makakapasok sa loob?” I ask, pointing our classroom. “Wala tayong susi.” Ang bobo namin. Wala man lang nakaisip sa amin na wala kaming susi para mabuksan ang classroom namin.

“It’s not a problem.”

Bahagyang kumunot ang noo ko. “Bakit? May alam ka bang solusyon?

Hindi niya ako sinagot at sa halip ay tumalikod sa’kin. Hindi man lang nag-abalang sagutin ako.

Sumandal nalang ako sa wall habang pinagmamasdan ko siyang busy sa pagce-cellphone. Mukhang may tatawagan siya.

“Hello... I need you here... Right now.”

Iyon ang naririnig ko sa mga sinasabi niya, may kausap siya sa cellphone.

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon