Chapter 30

1.1K 18 0
                                    

Chapter 30

[Aya’s POV]

Sabado ngayon at ito ang araw na magpra-practice kami ni Kenneth para sa talent namin. This is my first time joining this kind of event. Hindi naman kasi ako fan sa mga ganitong activity.

“Good morning, Aya.” Bati sa akin ni Ian nang makababa ako.

Ngumiti ako. “Sana ako na lang ang nagluto.” Sabi ko nang mapansing naghahanda siya ng pagkain.

Pero natatawa na lang ako sa sinabi ko. Kung ako ang magluluto, anong oras na kaya sila makakakain? Late ako nagising. Iniisip ko kasi ang intrams namin.

“Okay lang.” Sabi niya.

Dumating si Nathan at umupo sa tabi ko.

"Teka, wala ba si Harry dito?" Hindi ko kasi siya nakikita ngayon e. Kapag bumababa ako ay siya ang unang sumasalubong sa akin kaya nakasanayan ko nang palagi siyang nakikita.

"Oy, hinahanap ang baby niya."

Nagtawanan silang dalawa.

Sarkastiko akong nakisabay sa pagtawa nila.

"Sige, tawa pa."

They stop laughing at that.

"Umuwi sa bahay nila." Sabi ni Nathan.

Kaya pala.

Ilang segundo kaming natahimik hanggang sa magsalita ulit ako.

"Aalis pala ako ngayon."

Napatingin sila sa akin.

“Huh? Bakit? Saan?" Sunod-sunod na tanong ni Nathan.

"May practice kami ni Kenneth sa talent namin kaya ayon, aalis ako.”

"Ah, kaya pala bihis na bihis ka. Akala ko may date kayo ni Harry ngayon." Tumawa siya. "Practice pala."

I just smirk. Iba talaga trip ng lalaking 'to.


Pagkatapos naming kumain ay naghugas muna ako ng pinagkainan namin at saka dumeritsiyo sa school.

Akala ko nandito na si Kenneth, wala pa pala. Nang makauwi kami ni Harry kagabi ay tinawagan niya ako. He told me we're going to meet here in school.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Kenneth. Dalawang ring ang lumipas bago niya ito sinagot.

“Aya, nasaan ka na?”

“Nandito na ako sa school, ikaw?”

“Damn, I’m sorry. Don't worry, papunta na ako.”

“Okay lang kaya huwag kang ma-pressure diyan." Natatawa kong sinabi.

Tumawa rin siya at narinig ko namang nagpaalam siya sa pinsan niya at sa tito niya.

Binaba ko na ang tawag at umupo rito sa waiting shed. Ayaw ko munang pumasok sa loob ng school dahil hihintayin ko muna si Kenneth dito.

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon