Chapter 18

1.3K 31 2
                                    

Chapter 18

[Aya's POV]

"Break muna!"

Pagkasigaw ng pagkasigaw nun ni Kyla ay lumapit kaagad ako sa bleacher at umupo. Nakakapagod. Parang buong hapon akong nag-jogging.

Pinaghalong interpretative dance at hip hop ang sasayawin namin. Aaminin ko na na-guilty ako sa pagtulak kay Harry kahapon. Akala ko naman kasi na nagbibiro lamang siya para maka-tsansing sa'kin. Iyong ginawa niya kahapon, gano'n pala talaga ang stepping. Haha!

Si Nathan muna ang partner ko kanina kasi wala talaga si Harry sa sarili niya.

"Oy, boys! Bumili naman kayo ng snacks." Ani Angel.

"Kayo nalang, magba-basketball kami e." Mukhang basketball talaga ang mga lalaki.

"Tss! Ang gentleman niyo ha! Grabe, bilib na ako sa inyo."

Natatawa akong binalingan ng tingin si Jamaica. Puno ng sarcastic ang pananalita niya. Hahaha!

Huminga ako ng malalim saka tumayo. "Ako nalang ang bibili." I volunteer.

Napatingin naman silang lahat sa'kin, including the boys. "Aba! Kung si Aya ang bibili, sasama na ako." Lumapit sa'kin si Nathan na ngiting-ngiti.

"Wow! So kapag si Aya..."

Hindi naituloy ni Jenny ang sasabihin niya nang biglang nagsalita si Harry.

"I'll go with her and you asshole, back off!" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya lalo na nang ilayo niya ng konti si Nathan sa'kin.

"Wew! Hahahahaha!"

Parang baliw na tumatawa si Nathan. May pahawak-hawak pa talaga siya sa tiyan niya. "Hoy, Nate! Hayaan mo na 'yang si Harry! Maglaro nalang tayo dito!"

Lumapit na si Nathan kay Ian saka agad naman akong hinila ni Harry palabas.

Tahimik lang akong nakatingin sa kamay naming magkahawak habang naglalakad kami palabas ng school. "Pwede mo nang bitawan ang kamay ko. Hindi naman ako tatakbo."

Para kasi akong aso na hinihila niya. "Sorry, but I don't want to." I shrug of what he said.

Bago pa man ako makapagsalita ay napatigil na kami sa paglalakad. Una kong nakita ang five inches heels niya at sa posture palang ng babaeng nasa harapan namin ngayon, kilalang-kilala ko na siya.

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon