Chapter 20

1.2K 29 0
                                    

Chapter 20

[Harry’s POV]

“Tol!” Nathan put his arm acrossed my shoulder and laugh. Damn this man!

I looked at him and glared which lead him to back off.

I’m just leaning here on my car and suddenly these two emerged.

“Nga pala tol, gagala kami ngayon ni Ian. Sama ka?”

“No.”

“Harry naman, tapos na ang performance natin kaya gala tayo.”

“No.”

“Bahala ka, tara na Ian.” I shook my head as I watched them enter their car. Psh! I would rather be with Aya than be with them.

“I love you, Aya. I like you and I’ll do anything to win your heart. I’ll make sure that you’ll become mine... completely.”

I am serious of what I have say to her.

[Aya’s POV]

Habang naglalakad ako sa hallway ay natagpuan ko si Trixia... na parang sasabog sa galit. Ano kaya ang problema ng babaeng ‘to? “You, bitch!” Tinulak niya ako kaya muntik na akong matumba pero agad niya namang hinawakan ang kwelyo ng damit ko kaya hindi natuloy.

Nakakasakal talaga ang babaeng ‘to. Hindi ko man siya gustong patulan pero nakakainis na talaga siya, she starts the war between us at wala akong magawa kundi ang lumaban sa kanya. Hindi naman pwede na habang buhay nalang siyang aapihin ako.

“Bitawan mo ako!” Sigaw ko sa kanya. Tumingin ako sa paligid at mabuti nalang at walang dumadaang studyante dito. Kakatapos lang ng performance namin kanina kaya nakapasok na sa classroom namin ang aming mga kaklase.

“Mang-aagaw ka!” Sa tingin palang niya ay parang papatayin niya na ako. Napabuga ako ng hangin sa inis.

“Ano bang inagaw ko sayo, ha?”

“Nagmamaang-maangan ka pa ha!” Sabi niya at naramdaman kong mas lalo niyang hinigpitan ang pagkapit ng kanyang dalawang kamay sa damit ko, na para bang gusto niya na itong punitin. “Anong pinakain mo sa fiance ko para magkagusto siya sayo?” Kumunot ang noo ko. So si Harry ang tinutukoy niya?

Hoy palaka! Bago mo sabihin na inagaw ko sayo ang fiance mo ay magtanong-tanong ka muna, hindi ‘yang sugod ka ng sugod at...” Hindi natapos ‘yung sasabihin ko kasi bigla niya nalang akong sinampal. Malakas ang pagkakasampal niya sa’kin kaya tumagilid ang mukha ko. “Pagbibigyan kita ngayon kasi alam kong galit ka.” Malumanay kong sabi. Inalis ko ang kamay niya na nakakapit sa damit ko at sinamaan siya ng tingin.

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon