Chapter 8

1.6K 37 2
                                    

Chapter 8

[Aya’s POV]

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad na tumingin sa alarm clock na nasa side table lang, 8:00 na pala. Nagulat kayo no na hindi ako nagulat dahil sa manggugulat kong alarm clock? Haha! Sabado ngayon kaya walang pasok so okay lang kahit next year na ako gumising. Di joke lang, wag naman sana.

Bumangon na ako at nagsain kaagad, pupunta ako ng hospital ngayon para dalawin si papa. Habang nakatingin ako sa niluluto ko ay hindi ko maiwasang hindi malungkot, masyadong tahimik ang paligid, wala akong ingay na naririnig kaya nakakalungkot talaga.

Kapag nandito lang si mama at papa ay hindi ko na kailangan pang gumising ng maaga pero dahil nga wala sila dito ay kinailangan ko itong gawin. Konting tiis nalang Aya at uuwi na ang mama mo dito tapos gigising na din ang papa mo. You will be happy again together with them.


*

Tapos na akong kumain, maligo, at magsipilyo. Magbibihis na ako. Syempre, ano pa ba ang dapat gawin matapos maligo? And talking about magbihis. Dahan-dahan kong sinuot ang aking pantalon para hindi masyadong sasakit ‘yung isa kong paa. Alam niyo ba kung bakit sumakit ‘tong paa ko? Syempre hindi! Napa-skate lang naman ako sa banyo habang naliligo.

Pa’no ba kasi feel na feel ko ang pagkanta ng paligoy-ligoy ni Nadine Lustre at hindi ko namalayan na nahulog pala ang napakabango kong sabon malapit sa paanan ko. Kaya ‘yun natapakan ko at nag-ice kating ako. Enjoy nga e. Para akong nabalian. Ang tanga ko no?

Makakalakad pa din naman ako kaya pupuntahan ko pa rin si papa. Nami-miss ko na siya kaya gusto ko na talaga siyang makita.

Lumabas na ako ng bahay pero dahan-dahan ko paring nilalakad ang mga paa ko. Pumara kaagad ako ng jeep at may tumulong naman sa akin na makasakay.

Bago ako pumunta ng hospital ay dumaan muna ako sa isang grocery at bumili ng makakain. Plano ko kasi na magwho-whole day ngayon sa hospital.

Malapit lang ang hospital sa grocery na binilhan ko kaya maglalakad nalang ako papunta dun. Kakayanin ko kahit masakit ang paa ko.

Habang naglalakad ako ay napadaan ako sa isang cafe. Nakalimutan ko palang bumuli ng maiinom kaya dito nalang ako bibili.

Pumasok kaagad ako at pumunta sa may cashier. “Piccolo latte, take out.” That’s my favorite coffee at iyon ang gusto kong inumin kapag ganitong oras. Inabot na niya ang coffee sa’kin kaya nagbayad na ako. Habang hinihintay ko ‘yung sukli ay tumingin-tingin nalang muna ako sa labas at hindi ko sinadyang mapatingin sa may isang lamesa na malapit sa glass window. Nakita ko si Harry at nakatingin din siya sa akin. Bakit siya nandito?

Nakakunot ang noo kong tumalikod sa kanya. “Here’s your change ma’am.” Sabi ng cashier at agad ko naman itong kinuha.

Umalis na kaagad ako dun at baka may gawing masama ang ugok na ‘yan sa’kin. Galit pa naman siya sa akin nung huli naming kita. I’m meddling on his business so natural na magagalit siya sa’kin.

Nagmamadali akong naglalakad kahit na masakit ‘tong mga paa ko. Nagtitinginan nga ‘yung mga tao sa akin e, mukha akong magnanakaw na nagmamadali kasi may humahabol sa’king pulis.

Tumingin ako sa likuran ko at laking gulat ko nalang nang makita ko siyang sinusundan ako. Patay! Bakit niya ako sinusundan? Binilisan ko nalang ang paglalakad para mawala ako sa paningin niya.

My Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon